Vico Sotto, wagi sa ikalawang termino bilang Mayor ng Pasig

Nanalo si Pasig Mayor Vico Sotto noong Lunes, Mayo 9 sa ikalawang termino sa pamamagitan ng landslide victory, kabilang ang karamihan sa kanyang mga kaalyado.

Nanalo si Mayor Vico sa pagka-alkalde laban kay Vice Mayor Iyo Bernardo na may botong 335,851 laban sa 45,604.

“Nakita po natin na malinaw ang mandato sa atin ng Pasigueño,” ani Vico sa mga mamamahayag pagkatapos ng proklamasyon.

“Sana ngayong tapos na ang eleksyon, magkaisa tayo hindi para sa pulitika, hindi para sa tao o partido pero kung ‘di kung ano ‘yung makakabuti para sa buong lungsod.”

Nadomina rg mga kaalyado ni Vico ang konseho ng lungsod, ngunit hindi nito nakuha ang full slate matapos makapasok ni Reggie Balderrama sa unang distrito.

Nakuha ni Balderramma ang final council slot sa first district sa pamamagitan ng 49,297 na boto, na siyang ikinatalo ni Paul Senogat – ang nag-iisang “Giting ng Pasig” candidate na hindi pinalad, ayon sa ABS CBN.

Si VM Iyo at iba pang natalong kandidato ay nagtipon para magprotesta sa labas ng Pasig City Hall, matapos magduda sa landslide na tagumpay ni Vico.

“It’s definitely unbelievable. I did not foresee it. I am not gonna concede an election that I feel I was cheated,” aniya.

Sinabi ng Vice Mayor na ang tanging magagawa niya ay maghain ng petisyon para sa manual recount.

Para naman kay Vico, “We’re very happy, if not relieved, that we have an overwhelming majority of councilors.”

“Now it will be easier to go about business. ‘Yung mga kailangan natin gawin, mga revisions sa revenue code natin, mga kailangan nating ordinansa, resolusyon para sa ikabubuti ng ating lungsod mas madali na po nating magagawa.”

“Ngayon, I am very confident that we have a city council that is aligned with our vision for clean and honest and transparent governance in our city.”

“I wish him all the best. I wish him peace of mind. Kung ano ‘yung maging reaction ng isang tao, isang kandidato sa resulta [ng halalan], that’s a reflection of one’s character.”

“Sana ano man ang posisyon natin bago mag eleksyon, ano man ang naging partido natin o kulay ng pulitika natin, sana ngayong tapos na ang halalan, sana lahat tayo ay magtrabaho para sa ikagaganda ng ating lungsod.”

Samantala, si dating Pasig Rep. Dodot Jaworski – ang running mate ni Vico – ang nanalong Vice Mayor matapos makakuha ng 205,250 na boto, laban kina Mario “Junjun” Concepcion  na may 87,716 boto at Christian Sia  na nakakuha naman ng 76,028 na boto.

Post a Comment

Previous Post Next Post