Vilma Santos winelcome si VP Leni sa kanilang tahanan; nananghalian kasama sina Sen. Ralph Recto

Nag-viral umano ang mga larawan ng pagkikita nina Cong. Vilma Santos-Recto at VP Leni Robredo sa Twitter at iba pang social media platforms.

Ibinahagi ni Vilma sa Facebook ang pagbisita ni Leni sa kaniyang tahanan at sinabing, “bukas ang puso, isipan at tahanan ng mga Batangueno sa lahat ng sinumang pumaparine upang hingin ang ating suporta. Hindi dapat malusaw sa init ng pulitika ang respeto at pakikipagkaibigan, lalo na kung lahat naman tayo nagmamahal sa nag-iisa nating bansa.”

Bumisita umano si Leni sa bahay ni Vilma kasama si Kiko Pangilinan bago ang kanilang engrandeng rally sa bayan ng Bauan, kung saan nagtipon ang humigit-kumulang 280,000 tagasuporta nitong Sabado, Abril 30, sa Lipa City.

Masaya namang sinalubong at niyakap ni Vilma si VP Leni sa kanilang tahanan kung saan naupo ang dalawa para mananghalian kasama sina Sen. Ralph Recto, ang asawa ni Vilma, at iba pang kasamahan nito.

Ibinahagi rin ng Rappler ang video ng sandaling dumating si VP Leni at pumasok sa gate ng compound ng mga Recto.

Kasalukuyang nagsisilbing Representative ng 6th district ng Batangas at Deputy Speaker ng House of Representatives ang beteranang aktres.

Kasunod ng pagbisita ni VP Leni sa tahanan ng mga Recto, lumabas ang usap-usapan ng mga netizens kung ieendorso ba ni Vilma ang presidential candidate at running mate nito.

Ayon sa PhilStar, sa pamamagitan umano ng isang panayam sa telepono, nang tanungin kung ang pagtanggap kay Leni sa kanilang tahanan ay isa sa kanyang pagsuporta para sa presidential bid Leni, sinabi ni Vilma na, “I will vote based on my beliefs. We need a leader with vision, action, and can inspire people… I don’t believe in branding.”

Pinuri naman ng mag-asawang Recto ang tandem nina Leni at Kiko; anila, “a great and inspiring campaign and wished them good luck in the days ahead.”

Panoorin.

Post a Comment

Previous Post Next Post