Ayon kay Manay Cristy, oras na para makipag-ugnayan sina Josh, Bimby sa kanilang mga ama

Sa episode ng Showbiz Now Na! noong Hunyo 15 ay naikuwento nina Cristy Fermin at ng co-host na sina Morly Alinio at Romel Chika ang tungkol sa mga anak ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby Aquino.

Sa gitna ng health condition ni Kris Aquino, naniniwala umano si Cristy na panahon na para makipag-ugnayan sina Josh at Bimby sa kani-kanilang ama na sina Philip Salvador at James Yap.

“’Yung mga bintang, ‘yung mga pagdududa, hindi maiiwasan ‘yan. Pero it’s about time na ang mga batang ito ay maging malapit din sa kanilang ama. Unang-una, hindi naman sila magiging tao kung wala ang mga tatay nila,” ani Cristy.

Sumang-ayon si Morly kay Cristy at inihayag ang kanyang mensahe kina Philip at James.

“At kay Philip at kay James, ‘wag kayong matakot sa bintang. ‘Wag kayong matatakot sa mga sasabihin ng mga tao. Basta pure ang nasa puso ninyo, tapat kayo sa hangarin ninyo, go on. ‘Wag kayong tatalikod, humarap kayo. Mahalin ninyo ang inyong mga anak. This time, kailangan kayo.”

Ayon naman kay Romel. darating ang panahon na kikilos si Bimby upang alamin ang tunay na nangyari sa kanyang mga magulang. “Darating ang panahon, si Bimby, kikilos ‘yan. Aalamin niya kung ano ang tunay na nangyari.”

Higit pa rito, ipinahayag ni Nanay Cristy ang kanyang paniniwala na sina Josh at Bimby ay nangungulila sa kani-kanilang ama.

“Hintayin lang nating mahinog ang isipan ng mga bata. Kahit si Josh, I’m sure, hinahanap niya ang tatay niya. Si Bimby, I’m sure ano na rin siya, nasasabik. Kaya lamang, ‘yung humaharang kasi.”

Basahin: ‘Si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid’ – Cristy Fermin

“Nirerespeto kasi nila ‘yung nanay nila e,” dagdag ni Romel.

Matatandaan naman sa episode din ng Showbiz Now Na! ay napag-usapan nina Nay Cristy na ipinagbibilin na umano ni Kris sina Bimby at Josh sa kanyang mga kapatid.

Samantala, ang latest sa Showbiz Now Na!:

Post a Comment

Previous Post Next Post