Coney Reyes ipinagdiwang ang ika-33 kaarawan ng anak na si Vico Sotto

Ang Pasig Mayor Vico Sotto ay 33 taong gulang na nitong nagdaang Hunyo 17 at ipinagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang mga mahal niya sa buhay.

Sa IG account ay in-upload ng kanyang ina na si Coney Reyes ang mga larawan ng alkalde kasama ang pamilya nito.

Bukod sa pag-post ng mga larawan, inihayag din ng beteranang aktres ang kanyang wish para kay Vico – na pagpalain pa ng Diyos ang kanyang anak.

“Happy Birthday, Vico!!! (June 17) I pray that God bless your year(s) ahead even more!

“May He keep you in the center of His will and grant you the desires of your heart. I love you, son,” saad sa caption ng ina.

Sa comments section ng post ni Coney, binati ng mga celebrities kabilang sina Eula Valdes, Jackie Lou Blanco, Almira Muhlach at Maritoni Fernandez si Mayor Vico.

Basahin: Coney Reyes nagbahagi ng larawan nang nakapagtapos si Vico Sotto noong 2011

Proud mama naman talaga! Kamakailan ay ibinahagi ng beteranang aktres ang isang throwback picture na may heartwarming message nang nakapagtapos ng kolehiyo si Vico.

Sa kanyang IG stories, in-upload niya ang larawan kuha noong 2011; nang makuha ni Mayor ang kanyang Political Science degree mula sa Ateneo de Manila University.

“This appeared on my FB timeline… Vico’s graduation from ADMU in 2011,” ayon sa caption ni Coney sa kanyang stories.

“All smiles. Proud Papa & Mama,” dagdag pa ng beteranang aktres.

Kamakailan ay nagbahagi rin si Coney na siya’y laging nasa likod lamang ni Vico at sumusuporta at palaging ipinagdarasal ang anak.

“I’ll be behind you all the way… praying for you, son! The Lord bless you and keep you! The Lord make His face shine upon you and grant you peace and favor all the days of your life! May you always be blessed and always be a blessing! May God keep you in the center of His good, pleasing and perfect will! The Best is yet to come to the honor and glory of the Living God!” aniya sa kanyang Instagram post.

Post a Comment

Previous Post Next Post