Rabiya Mateo, Jeric Gonzales nag-unfollow sa isa't isa sa social media

Pinaniniwalaan ng mga tagahanga nina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales na hiwalay na ang couple kung saan napansin ng mga ito na hindi na naka-follow ang dalawa sa isa’t-isa sa Instagram.

Bukod sa pag-unfollow sa aktor, inalis na rin ng beauty queen ang lahat ng larawan nilang magkasama sa kanyang Instagram page, kasama na ang post kung saan nag-“Instagram official” sila ni Jeric.

Noong Mayo 29 ay may ibinahagi na larawan si Rabiya kalakip ang isang mensahe na naging sanhi ng paghihinala ng mga netizens na nag-break na nga ang dalawa.

“I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve,” aniya sa post.

Samantala, makikita pa rin ang mga larawan ni Rabiya sa Instagram page ni Jeric.

Ang mga haka-haka na naghiwalay na ang dalawa ay lumitaw matapos maghayag si Rabiya ng cryptic post tungkol sa “putting up with what she didn’t deserve.” Bagama’t hindi niya pinangalanan, iniugnay ito ng ilang fans sa relasyon nila ni Jeric.

Kalaunan ay ibinasura niya ang mga haka-haka na iyon at iginiit na ang post ay tungkol sa kanyang “life as a whole.”

Bukod sa post ni Rabiya, lumabas online ang mga larawan ni Jeric kasama ang isa pang lalaki, na nagpatindi umano sa mga tsismis sa breakup.

Bagama’t hindi nagkomento si Jeric tungkol sa usapin, may mga fans naman na dumepensa sa aktor at sinabing ang mga snaps ay kinuha raw sa isang indie film na ginawa ng aktor noong 2020.

Sa episode naman ng Showbiz now na noong Hunyo 19 ay tinalakay nina Nay Cristy ang tungkol sa relasyon ng dalawa. Ayon kay Nay Cristy, sa tuwing may makakarating umano kay Rabiya na kuwento tungkol sa pamamakla ni Jeric ay nagbabanta umano itong makipaghiwalay ngunit nagkakaayos din naman daw ang dalawa.

Nabanggit din umano ni Nay Cristy ang panghuhuthot umano ni Jeric sa isang negosyante na itinatanggi nito na hindi raw niya ginawa kung saan ay nakarating na rin kay Rabiya.

Post a Comment

Previous Post Next Post