Danica Sotto, Marc Pingris finlex ang Baby #3 nitong Father's Day

Sinurpresa ng aktres na si Danica Sotto at ng kanyang asawa, professional basketball player na si Marc Pingris, ang kanilang mga followers sa Instagram noong Father’s Day, June 19, at ibinunyag na magkakaroon na sila ng kanilang ikatlong anak.

Sinabi ng basketball player na hindi niya napigilan ang kanyang excitement. Napakasaya niyang ibinahagi ang panibagong blessing sa kanyang IG accountt.

“Happy Father’s Day to me!!! Thank you Lord for another blessing! sa lahat ng mga daddy happy father’s day po sa inyo,” saad sa caption ni Marc.

Samantala, ibinahagi rin ni Danica sa Instagram ang isang heartwarming video kung saan makikita ang buong pamilya na nagsama-sama nang ini-reveal ito.

Sa video, makikita ang mga kamay nina Danica, Marc, at ng kanilang dalawang anak na nakatakip sa ultrasound image ng kanilang ikatlong baby.

“Thank you Lord for our answered prayer,” aniya.

Bumuhos ang pagbati mula sa mga followers at sa mga kilalang celebrity para sa mag-asawa.

“Oh my gosh!!!!!!!!!!!! Danicaaaaaaaaaaaaaaa congratulation the best!”

“God’s perfect time!”

“Congratulations Danica!! So exciting!”

“Woohoo!!!! It’s finally out!!!! Excited for you guys!”

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Danica ang kanyang ika-40 na kaarawan noong Mayo 9.

Sa Instagram, inihayag ng aktres ang kanyang pasasalamat sa pagbabahagi ng mga snaps na kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang espesyal na araw kasama ang kanyang pamilya.

“My heart is full. Thank you dear family and friends aka prayer warriors for always being there. I love you all so much!!!” ani Danica.

Unang nagkita sina Danica at Marc noong 2005. Noong Marso 2007, nagpasya ang dalawa na magpakasal sa isang Christian ceremony.

Si Danica ay anak ng komedyanteng si Vic Sotto at aktres na si Dina Bonnevie.

Basahin: Danica Sotto-Pingris shares how knowing husband’s love languages strengthened their marriage

Post a Comment

Previous Post Next Post