Diego Loyzaga, Franki Russel nag-unfollow sa isa't isa sa Instagram

Ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell at ang aktor na si Diego Loyzaga ay nag-unfollow na sa Instagram;  dalawang linggo lamang matapos ihayag na nagde-date na sila.

Napansin ng mga followers nitong nagdaang Miyerkules na hindi na nga sila naka-follow sa isa’t isa na nag-udyok ng espekulasyon na baka nagkakalabuan o hindi talaga nag-click ang kanilang dating stage.

 

Sa IG stories ng aktor, nagpost at nagpahiwatig ito ng isang sipi mula sa libro tungkol sa “walking away.”

“What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth,” saad sa kanyang stories na nag-expire na.

Sa isang kasunod na update, muling nag-post si Diego ng isang larawan na ni-repost mula sa aktor na si Markus Paterson, na makikitang nakaupo, at may kantang “Single Again” ni Big Sean.

Basahin: ‘We really did click’: Diego Loyzaga, Ex-PBB housemate Franki Russel nagde-date na

Kinumpirma ni Diego kamakailan na nagde-date sila ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na at sinabing “nag-click” sila sa isa’t isa.

Ipinaliwanag din ni Diego kung bakit niya sinabi noon na “not a thing” silang dalawa ni Franki.

 

“We have known each other [at the time] for ten days, we are not a thing. Who am I to say that — I can’t give a label that we are something,” wika ni Diego.

“Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin na, ‘Kami na.’ I mean, I haven’t asked her. But noon ‘yon, iba ngayon,” and say, “We are together.” I mean, I haven’t asked her. But that was before, the situation is different now.”

Basahin: ‘I never said this’: Barbie Imperial nag-react kaugnay sa pahayag ni Diego Loyzaga

Post a Comment

Previous Post Next Post