Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon ang celebrity mom na makasama ang mga Gonzaga. Nitong Hunyo 3 ay ibinahagi ni Karla Estrada, 47, sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan kasama sina Toni, Alex Gonzaga at kanilang mga magulang.
Sa isa sa mga larawang ipinost niya, makikita pa si Karla na nakaakbay kay Mommy Pinty; ang ina nina Alex at Toni.
“Isang magandang gabi na puno ng tawanan with the Gonzaga family. Natuloy din! Thank you for tonight @celestinegonzaga @cathygonzaga @mommypinty and Daddy Bonoy,” aniya sa kanyang caption post.
Hindi naman napigilan ng mga netizens na matuwa nang makitang masaya si Karla kasama sina Alex at Toni, pati na rin ang kanilang pamilya.

Gayunpaman, nag-iwan din ng komento ang ilang fans ni Karla, na nagtatanong kung kailan siya babalik sa Magandang Buhay.
“Kailan po kayo babalik sa MB..miss you na po mamshie Karla.”
“Wow. Congratulations ma’am Carla, oy parang ikaw ang panganay d’yan sa magkapatid, beautiful smile with the beautiful family ..God bless you all.”
Kamakailan naman ay nagkaroon ng ladies night out sina Karla, Sunshine Cruz, Vina Morales, at Ruffa Gutierrez sa Manila house.

Ibinahagi naman ni Sunshine ang kanilang larawan sa kanyang Instagram account na may caption na, “#friendsforever Missing @jackie_forster and @dashofdonita.”
Nagkomento naman sa post si Karla ng “treasures”
Para naman kay Ruffa ay isa itong magandang alaala.
“Cozying up with my besties for life. Good times plus confidential chika = great memories! #FriendsForever.”
Ilang netizens naman ang hindi napigilang magkomento sa larawan ng magbe-bestfriend.

“Walang kakupas kupas lahat mas lalo pang mga gumaganda ang fresh ni ms.v naol.”
“Beautiful girls , timeless friendship and best memories spent.”
“Ganyan pala ang picture pag puro magaganda nag sama.”
Ayon naman sa isa ay hanggang ngayon ay wala pa rin kupas ang kagandahan ng mga celebrities na ito.
“Wala nagbago sa mga picture n’yo sa notebook na print dati ng elementary ako. Ang Gaganda n’yo padin po mula noon hanggang ngayon.”