Tatay at Nanay naging emosyonal matapos regaluhan ng anak ng isang brand new car

Bilang anak ay kaligayahan nating masuklian ang mga sakripisyo ng ating mga magulang para maramdaman nila na mahal natin sila.

Ibinahagi ni Katherine Gozun sa kanyang Tiktok account ang isang video kung saan ay niregaluhan nila ang kanilang magulang ng isang brand new car. Ang nasabing video ay humakot ng halos 2.9M views.

Sa panayam ng Philippine Star kay Katherine, pina-deliver umano nila ng kanyang kuya ang sasakyan sa may restaurant na kinainan nila, “Hindi po nila alam na magkakaroon na sila ng sasakyan, dahil hindi na po bago sa kanila na kumain kami sa labas. Pina-deliver po namin ‘yung sasakyan at pinarada malapit sa sasakyan ni kuya,” aniya.

Dagdag pa niya ay ideya mismo ng kanyang kuya Ken na bigyan ang kanilang magulang ng isang brand new car at ‘yun umano ang kanilang maibibigay para lamang masuklian ang mga sakripisyo nito para sa kanila.

Akala naman ni Tatay Reggie mula sa San Fernando, Pampanga na isa lamang casual dinner sa restaurant ang gagawin nilang mag-anak ngunit ang hindi niya alam na may surpresa pala ang kanyang anak para sa kanya. Samantala, alam na umano ng kanilang nanay ang tungkol sa surpresa.

Habang hinihintay nila ang kanilang order ay ipinakita ni Kuya Ken ang susi ng isang sasakyan, sabay pagpapabatid na regalo niya io sa kanilang magulang.

Nung una ay hindi naman makapaniwala at hindi makapagsalita si tatay Reggie dahil hindi naman niya inaasahan na bibigyan siya ng kanyang anak ng ganitong klase ng regalo.

“Nung nilabas na po ‘yung susi, hindi po makapaniwala si father. Tulala at hindi makapagsalita. Hanggang sa pinindot po nila ang lock ng key para po umilaw ang sasakyan. Tumulo na po ang luha nila at nilapitan ‘yung sasakyan,” ani Katherine.

Labis naman ang tuwa at saya ng mga magulang nina Katherine dahil sa natanggap nilang regalo mula sa kanilang anak.

Kuwento ni Katherine, ang kanyang ina ay naging isang OFW nang 14 taon  at ang kanilang tatay naman ang tumayong nanay at tatay nila habang nasa abroad ang kanilang nanay.

“Daddy, Mommy. Alam ko po hindi pa tapos ang laban natin at hindi pa po natatapos ang mga pagsubok. Lahat po gagawin namin para sa inyo. Mahal na mahal po namin kayo. At sa kapatid ko po, kay kuya Ken, salamat sa pagmamahal sa magulang natin.”

Panoorin.

https://www.tiktok.com/@kthrn.chi/video/7082982996759874843?is_copy_url=1&is_from_webapp=v1&q=%40kthrn.chi&t=1654312860845

Post a Comment

Previous Post Next Post