Inihayag ni KC Concepcion kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang ina na si Sharon Cuneta, kung saan ay tinukoy niya ang beteranang aktres bilang kanyang “one and only.”
Kasalukuyang naninirahan sa New York si KC.
Sa kanyang Instagram account nitong Hunyo 21, ay nagbahagi siya ng screenshot ng kanyang video call sa ina. Makikita na sobrang masaya ito na nagkausap sila.

Ayon kay KC, marami na siyang narinig na kuwento tungkol sa ibang mag-iina na hindi na nagkaroon ng pagkakataong maayos ang relasyon at nalulungkot siya para sa kanila.
“I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them,” aniya.
Kaya naman masaya siyang nagpapasalamat sa relasyon nila ngayon ng kanyang ina na si Sharon.
[Basahin: Sharon Cuneta sa kaarawan ni KC Concepcion, ‘Huge chunk of my heart is empty without you’]

“I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other! I love you Mama. There is nothing like having your own mother’s LOVE.”
Matatandaan na noong 2018 ay lumabas ang balita tungkol kina Sharon at KC na nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan. Bagama’t hindi ibinunyag ang dahilan, noong 2020 ay hiniling ng Megastar kay KC na bumalik na sa kanilang pamilya, at idinagdag kung paano na-miss ng beteranang aktres ang closeness nila dati.

Si KC, na nagka-covid noong nakaraang buwan, ay nagpahayag din kamakailan ng kanyang pagpapahalaga sa kanyang ina. Sinabi nitong ang inang si Sharon lang ang kailangan niya para maka-recover mula sa COVID-19.
[Basahin: Para kay Lolit Solis, hindi kailangang tulungan ni KC financially ang production ng ‘Asian Persuasion’]
Samantala, naunang nanawagan si KC ng suporta upang tumulong sa pagkumpleto ng kanyang New York movie na “Asian Persuasion,” matapos itong magkaroon ng problemang pinansyal sa post-production..