Nagsalita na ang aktor na si Markus Paterson sa mga usap-usapan na kumakalat kaugnay sa hiwalayan umano nila ng kanyang partner na si Janella Salvador.
Sa panayam ng Cinemanews, in-open up ng RISE artist ang estado ng kanilang relasyon ngayon ng aktres.
“Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking on this status… but we’re both very good,” wika ng aktor.

“We have [a] very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Marcus, masaya naman siya pati na ang nararamdaman ng kanyang puso.
“Ang puso ko ngayon? Ang masasabi ko lang, masaya. Magaan in a lot of ways,” aniya.
“I’ve come to terms [with] a lot of things this year so far. I just can’t wait to grow more and learn more about everything in life, my craft, relationship, fatherhood. I’m so young and I can’t wait to just become the best version of me,” paninindigan niya.

Basahin: Ogie Diaz, ‘Totoo ba? Janella Salvador at Markus Peterson hiwalay na nga ba?’
Kamakailan ay naging usap-usapan na tila nag-break na ang dalawa matapos mapansin ng mga netizens na wala nang post ang isa-isa’t na magkasama sa social media.
Matatandaan na ang huli nilang larawan na magkasama ay noong Enero nang ipagdiwang nila ang Araw ng Bagong Taon.

Gayunpaman, binati ng aktor si Janella noong Mother’s Day Mayo 8, “happy Mother’s Day, celebrate the amazing mother you have become.”
Kamakailan din ay binati ng aktres si Marcus sa kaarawan nito noong Hunyo 3, sa kanyang IG stories at sinabing, “success, well-being, and happiness.,” at ni-repost naman ito ng aktor sa kanyang My Day.
Sina Janella at Markus ay may isang taong gulang na anak na lalaki; si Jude Trevor.
Panoorin: