Ibinahagi ni Mommy Pinty sa kanyang Instagram account ang surpresang regalo niya sa kanyang asawang si Daddy Bonoy bilang pagdiriwang ng Father’s Day.
Nag-upload siya ng isang video na nagtatampok kung paano niya ipinakita ang kanyang regalo sa kanyang better half. Binigyan kasi niya si Daddy Bonoy ng isang massage chair, na halatang gustong gusto nito.
Ayon sa ina ni Alex Gonzaga, nag-e-enjoy daw ang kanyang mister sa pagpapamasahe kaya naman pinili niyang bilhan ito ng massage chair.
“My surprise gift to daddy this Father’s day celebration! He loves it hilig kasi magpa-massage kaya ito naisip ko ibigay sa kanya. Advance Happy Fathers Day to all fathers out there. God bless you all,” aniya sa kanyang caption post.

Samantala, maraming netizens ang nag-react sa nasabing clip. Marami sa kanila ang naka-appreciate sa sweetness ni Mommy Pinty kay Daddy Bonoy.
Marami din ang bumati ng ‘advance happy father’s day’ kay Daddy Bonoy at natuwa sa pa-surprise ni Mommy Pinty sa kanyang asawa kaya umaasa rin ang mga ito na mag-upload pa ng mga videos si Mommy Pinty.
“More upload pa po ng videos sa YT #bopin.”

Ang ilan naman ay na-inspire at gusto ding regaluhan ang kanilang mga ama ng massage chair.
“Ka-sweet ni mommy Pinty oyy. I could always remember my mom and dad’s love for each other. I pray for you both for continually loving each other. I hope I could meet My Bonoy too. Someone who is really a good father. Thank you for inspiring us.”

“I wish someday mabilhan ko papa ko nito.”
“Gandaaa. Gusto ko bigyan papa ko neto but I’m too broke, still a student kasi. He’s working 10-16 hrs a day.”
View this post on Instagram
Ikaw? May naisip ka na bang regalo para sa iyong ama o mister para sa Father’s day?