Ibinahagi ng aktres-vlogger na si Jelai Andres sa YouTube ang nakababagbag-damdaming balita kaugnay sa kanyang mga fur babies na sina Kitty at Neko na binawian ng buhay kamakailan.
Sa video na umabot ng mahigit 22 minuto na in-upload sa kanyang channel ay ipinakita kung paano nalaman ni Jelai ang kanilang pagkawala, kasama ang kanyang pamilya na dinadala sa kanya ang abo ng kanyang mga aso sa isang kahon.
Ito’y dahil hindi rin agad masabi kahit sa telepono ang totoong nangyari sa mga alaga nito.

Aniya sa comment section, “Hindi nila ko matawagan non kasi po inaalala ako nila ate dahil mag isa ako baka po bumalik ‘yung naging sakit ko pag nade-depress ako noon na pag umiiyak po ako dire-diretso tapos maninigas ako at ‘di na makakahinga like nagsasara na throat ko then need na ako dalhin sa ER.
Eh mag isa lang po kasi ako nun natatakot sila kaya pinuntahan na nila ako sa personal na lang para andun sila makikita po ako. (Thank God hindi na po nangyayari sa akin ‘yung ganung moment) plus takot sila na mag drive ako papunta nang umiiyak baka madisgrasya daw ako plus trauma sila gulong gulo po isip nila at sa sobrang shocked din po.”
“Ang sakit-sakit kasi dalawa at mag-ina,” paglalahad ng aktres habang nananangis.
Ayon sa kanyang pamilya, ramdam na nilang may mali dahil sa gate pa lamang ay hindi na sila binati ni Neko.

Samantala, napatalon lamang daw umano si Kitty sa kanilang pagdating ngunit bigla na lamang huminto.
“Si Whitie, mamula-mula din. Nanginginig. Pero kaya niya, nabuhay,” sabi ng kaibigan ni Jelai.
Sinabi nila na baka nalason ang mga aso; dalawa lamang ang kanilang alaga sa ilang binawian rin ng buhay sa loob ng kanilang village.
“Trick ba ‘to?” tanong ni Jelai na halatang natataranta. “May nanglalason ba ng mga aso sa subdivision?”
Dagdag pa ng YouTuber, kung ang target ‘ay mga stray na hayop, hindi umano stray ang mga pinahamak ng mga salarin. At kung stray man ang ilan, kinuwento niya na kahit nga stray ay inaampon nila. Hindi umano tama ang ginagawa ng mga nasa likod ng kapahamakan ng mga aso.
Samantala, humingi ng tulong si Jelai sa mga organisasyon tulad ng PAWSsion Project at Paws, at sinabi niyang iimbestigahan niya ang sinapit nina Neko at Kitty.

Maghahanap sila ng CCTV footage na maaaring makatulong sa paghahanap ng kasagutan sa pagkasawi ng kanilang alaga.
Pagsusumamo niya, parte ng pamilya yung mga alaga, ‘wag gawaan ng masama. Wala umanong kalaban-laban ‘yung mga aso.
Iba talaga kapag mga alagang aso o pusa ang nawala dahil hindi maipaliliwanag ang sakit ng iyong mararamdaman kapag napamahal na sa iyo ang mga hayop.
Panoorin ang video, Till We Meet Again: