Prenup photoshoot ng isang couple sa tuktok ng Mt. Apo hinangaan ng netizens

Nag-viral sa social media ang isang prenup video na ginawa ng couple na si Steven Thomas Haw mula Davao City at Cristin Erika Vilchez mula sa General Santos City sa tuktok ng Mt. Apo sa Davao.

Ang marilag na bundok, na lokal na kilala bilang Apo Sandawa, ay may taas na humigit-kumulang 2,954 metro.

Ito ay itinuturing na pinakamataas na bundok sa Pilipinas, at sa buong mundo ito ang ika-24 na pinakamataas na tuktok ng isang isla.

Nagbahagi si Cristin Eika sa kaniyang Facebook wall ng isang video ng kanilang prenup photoshoot.

Aniya, “Giving you everything we’ve got. Who we are.. What we love.. Hike, gym, nature, adventure.. Ahhhh!!! It’s kinda amazing how we pulled this off! Murag nag share ra man jud mi ba unsa amoang hobby ba.. Handsdown to you Sir Niño Solis Kirk Satura and team!!! And also to our very talented photographer Sir James Michael Montaño and team. Teaser pa lang panalo na!!! My HMUA at Sox prenup beshy Calcius Tgln, thank you kaayo!”

Sa panayam naman ng GMA Network News, ipinaliwanag ng magkasintahan kung bakit nila ginawa ang prenup shoot sa nasabing bundok. Ito ay dahil mahal nila ang kalikasan at ang video concept nila ay tungkol sa kung ano sila bilang isang couple.

“Ang aming concept is kung ano kami as a couple. Mahilig din kami sa kalikasan. Kung ano ‘yung prenup shoot namin, ‘yun kami,” paliwang ni Steven.

Ayon kay Cristin, sa apat na araw na shoot, dalawang beses nilang ginawa ang video sa summit.

“’Yung day two naming narating namin ang summit then nag-shoot kami and on the fourth day, nag-shoot uli kami sa summit to really get the best possible angles,” aniya.

Ang kanilang mga pagsisikap ay nagbunga nang maganda dahil ang kanilang prenup shoot ay kinunan sa isang amazing spot ng bansa. Umano na ito ng milyong views at may 16K shares na at halos 3K comments ng paghanga.

Namangha ang netizens sa prenuptial photoshoot ng nina Steve at Erika sa Mt. Apo. Ifineature pa ito ng Kapuso Network:

Post a Comment

Previous Post Next Post