Ipinagmamalaki nina Gelli de Belen at Ariel Rivera ang kanilang anak na si Julio sa pagtatapos nito sa York University sa Canada.
Dumalo ang mag-asawa sa commencement ceremony kung saan nag-cheer sila para kay Julio, na makikita sa compilation video sa Instagram page ng aktres nitong, June 21.
“Congratulations Julio!!! We are so proud of you,” aniya.

Ipinakita ni Gelli ang graduation photo ng kanyang anak pati na rin ang video kung saan naka-bow ito sa entablado habang tinatawag ang kanyang pangalan sa mikropono.
Sa huling bahagi ng video, ang couple celebrity kasama ang kanilang mga anak na lalaki ay nakahiga sa kanilang higaan at kinunan ng larawan.
“We documented his [graduation] with lots of photos of him, videos of him, a few photos of us while waiting, but we forgot to take a family photo. So we just took one at home in our pajamas when we finally remembered,” dagdag niya.

Ang mga kapwa celebrities na sina Aiko Melendez at Arlene Muhlach ay nagpadala ng kanilang congratulatory messages kay Julio para sa kanyang milestone pati na rin ang mga followers ay bumati rin.
“GRABE —- how time flies!!! Congratulations Julio!!! Congrats too to the parents @gellidebelen @rivera.arieljose !!! #FamilyLoveForever”
Proud parents …. Sarap ng feeling pag nakagraduate sila … it’s an accomplishment not only by your son but you and Ariel too … congratulations!”
View this post on Instagram
Nauna nang nakasama ng aktres ang kanyang mga anak matapos niyang surpresahin ang pagbisita sa kanila sa Canada.
Basahin: Ariel Rivera shares secret to lasting marriage with Gelli de Belen

Kamakailan ay ibinahagi ng beteranong aktor ang sikreto sa kanilang long lasting marriage ni Gelli.
Sa panayam ng Bandera para sa teleserye ng GMA na “The Fake Life,” ibinahagi ni Ariel na ang lahat ay nagmumula sa paggalang.
“I just listen to my wife, that’s it. We try to respect and understand each other’s views. There are a lot of other factors, but ‘yon ang root, the respect we have for each other,” aniya.