'We really did click': Diego Loyzaga, Ex-PBB housemate Franki Russel nagde-date na

Kinumpirma ni Diego Loyzaga na nagde-date sila ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell at sinabing “nag-click” sila sa isa’t isa.

Sa isang panayam ay inamin ito ng aktor sa radio host na si Rico Robles sa “All Out” segment ng Monster Radio RX 93.1, na in-upload sa channel ng RX931 sa YouTube noong, Hunyo 6.

Ipinaliwanag din ni Diego kung bakit niya sinabi noon na “not a thing” silang dalawa ni Franki.

“We have known each other [at the time] for ten days, we are not a thing. Who am I to say that — I can’t give a label that we are something,” wika ni Diego.

“Ang kapal naman ng mukha ko na sabihin na, ‘Kami na.’ I mean, I haven’t asked her. But noon ‘yon, iba ngayon,” and say, “We are together.” I mean, I haven’t asked her. But that was before, the situation is different now.”

Nang tanungin tungkol sa kanilang status ngayon, ibinunyag ng aktor na nagkikita na sila at hindi pa rin tumitigil ang kanilang koneksyon mula nang magkakilala sila.

“Well, you know what, I’m a hypocrite. I said I wanted to focus on myself but I guess these things you don’t expect it. It just really comes along,” sabi niya.

Dagdag pa niya, “We really did click. So, I would definitely say that right now we’re dating.”

Nilinaw naman ni Diego na hindi pa sila magkarelasyon ni Franki; na nagde-dating pa lang sila.

Kinausap din ng aktor ang dating housemate, at pinayuhan siya na “trust her gut” sa gitna ng mga taong tila nagbabala sa kanya laban sa aktor.

“Basta kung saan ka masaya, masaya rin ako,” ani Diego. “She has been true to me since day one and I’m going to continue to be true to her whether as a friend, as a boyfriend or as whatever.”

Post a Comment

Previous Post Next Post