Ang beauty queen-turned-actress na si Ruffa Gutierrez ay nagbahagi ng larawan ng ‘noon at ngayon‘ kasama ang dating First Lady Imelda Marcos.
“Through the years with the one and only, Madame Imelda Romualdez Marcos,” ani Ruffa sa kaniyang caption sa Instagram post noong Hunyo 4.

Ito’y matapos ang balitang napipisil ang aktres na gaganap bilang dating First Lady. Kasama sa mga ibinahagi niyang litrato ay ang magiging direktor ng ‘Maid in Malacañang’ na si Direk Darryl Yap.
Ayon kay Daryl sa isa niyang post, “while marami ang nagsasabing si Alice Dixon, Dawn Zulueta, Gretchen Baretto o Lucy Torres (na talagang mahuhusay rin at magaganda) meron si Ruffa na palagay ko mas makakatulong sa manonood na maunawan si Imelda Marcos.”

Marami ang nagpaabot ng pagbati sa aktres; ang ilang kilalang celebrity, kabilang na rin ang kanyang kapatid na si Raymond Gutierrez.
“Congrats on the new role!!!” ayon kay Raymond.
Sa nasabing proyekto ay mukhang makakasama ni Ruffa si Juliana Parizcova Segovia, “See you soon my Queen. Congrats in advance.”
Ang layunin umano ng pelikula ay maipakita ang 72 hours na mga kaganapan sa loob ng Palasyo bago ang EDSA People Power Revolution I.

Ito’y matapos mapababa sa puwesto ang dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. na siyang ama ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr, at Senadora Imee.
Ayon sa direktor ng Len-Len series, The Exorcism of Len-Len Rose, at Baby M, hindi ito isang historical revisionism kundi TOSOT o ‘The Other Side of the Story’.
Sinabi rin ni Darryl na final casting na raw noong Hunyo 3, at noong Hunyo 4 nga ay nagbigay na ng pasilip ang direktor.
Sa magaganap na pagpupulong nila ng Viva bosses at at nakita sa litrato ang pangalan ni Ruffa G bilang Imelda Marcos.

Gayunpaman ay hindi pa inire-reveal kung sino ang gaganap na yumaong Ferdinand Marcos at iba pa niyang kapamilya, gayundin ang ‘Maid in Malacañang’.
Matatandaan na ang sinuportahan naman ng pamilya ni Ruffa sa pagkapangulo noong nakaraang halalan ay si Senador Manny Pacquiao.
Basahin: #BaulPics: Ruffa Gutierrez nagbalik-tanaw sa Bb. Pilipinas World 1993 days, atbp
View this post on Instagram