Robin Padilla ibinunyag kung paano nakatulong si Kris Aquino sa kanyang kampanya

Bumaling sa social media si Senator-elect Robin Padilla para pasalamatan si Kris Aquino sa kanyang suporta sa katatapos na halalan kahit na bahagi siya ng karibal na partidong politikal.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Robin na lampas sa pulitika ang pagkakaibigan nila ni Kris.

“Friends in love. Ano nga ba ang ibig sabihin nito. Literal ba ito. In love ka sa kaibigan mo literally. Baliw ka sa kaibigan mo. Hinahanap-hanap mo siya. Physical attraction ba? Sexual ba? Ano nga ba?” panimula ng kanyang post.

“Isa lang ang alam ko. Hindi man kayo nagkikita, nag-aaway man kayo, hindi man kayo nagpapansinan pero ‘pag naramdaman mo na kailangan ng kaibigan ng kaibigan mo, no sorrys, no explanations, no dramas, no flashbacks. Just love. Love that doesn’t require reciprocity,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa aktor, nang malaman nila ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez ang tungkol sa sakit ni Kris ay agad naman silang nakipag-ugnayan.

Anito, “Hindi na kami bumitaw sa kanya at ganon din si Ms. Kris Aquino. Pinagluluto ni Mariel si Kris ng pagkain at kahit hirap si Kris sa intake ng solid na pagkain she makes sure na well appreciated ng buong pamilya niya si Mariel.”

“Tumaas pa ang antas ng aming mga pinag-uusapan at pinagdidiskusyunan. Mas minulat pa namin ang isa’t isa sa realidad pulitika at buhay,” ani Robin.

Sa puntong ito ay ibinunyag ng aktor kung paano siya tinulungan nig Queen of all Media sa kanyang kampanya.

“Maraming nagtatanong at nagtataka kung bakit napakataas ng boto ko at kung paano ako nag-number one. Walang nakakaalam na may boto rin ako galing sa kampo ng mga Aquino.

Kalagitnaan ng campaign period, nag-aalala si Kris sa survey ko. Kinausap niya ako kung ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional lang ako dahil wala naman ako pera,” pagbabahagi pa niya.

Bagama’t ayaw niyang dagdagan ang stress ng kaibigan, sinabi ni Robin na ito ang nagpumilit na tulungan siya.

“Tinawagan niya mga matitinding governor, LGU officials at mga matataas na tao na may paggalang at malalim na pasasalamat sa mga Aquino.

Hindi kailanman naging isyu sa kanya na Uniteam ako , nagtataka ang mga nakakausap niya kung bakit ako nilalakad sa kanila pero sinasagot lang niya ito ng basta pls help Robin for me,” sabi pa niya.

Sinabi ni Padilla na ang dating TV host ay “delivered the Aquino vote for me” at dahil doon, labis siyang nagpapasalamat.

“Maraming maraming salamat Ms. Kris Aquino. Ang ating pagiging magkaibigan ay hindi naapektuhan ng pulitika bagkus ito pa ang nagbuklod sa atin.

Hinding hindi kami makakalimot. Andito lang palagi kami ni Mariel para sa iyo at kapag ako’y nagka-visa sa US of A dadalawin ka namin at personal na magpasalamat sa iyo,” pasasalamat ng aktor.

Post a Comment

Previous Post Next Post