Ang mang-aawit na si Jim Paredes ay nagtungo sa Twitter at idinaan na lamang sa pag-post ng ‘joke’ ang shock na naranasan niya umano sa taas ng presyo ng gasolina.
Sinimulan niya sa isang tweet ang pagsasabing siya ay ‘nanakawan’ sa gasolinahan.
“First off, THANK YOU EVERYONE for your concern. I’m ok, just a little shaken up, but l’ll be ok. For those of you who don’t know what happened, I was robbed last night at the gas station. I gathered myself together, my hands were still shaking, I was dizzy and I honestly,” ang unang tweet ni Jim.

Sa kanyang pangalawang tweet ay isiniwalat niya na ang presyon ng kanyang dugo ay tumaas, at ang nasabing “robbery” ay dahil sa ginawa ng ‘pump number two’.
“I think I was in shock. My money was gone. I called the police, they were fantastic and called for medical assistance as my blood pressure was through the roof. The police asked me if I knew who did it, and I told them ‘Yes, it was pump number 2.'” Lol
Para ka naman kasi talagang naholdap sa napakataas na presyo ng gaolina ngayon.
Sa tweet ng isang netizen na may handle na @rodelriddle, parang grado umano sa paaralan ang presyo ngayon ng gasolina; P92.50 to P99.45 bawat litro. Nakakataas talaga ng BP!
Si Jim ay isang tanyag at batikang mang-aawit at manunulat ng kanta sa Pilipinas. Kilala siya sa pagiging isa sa mga miyembro ng APO Hiking Society.

Matatandaan inihalintulad ng kompositor ang dating Pangulong Ferdinand Marcos at Pangulong Duterte sa isang virus.
Sa isang lumang tweet, tinawag ng musikero ang yumaong pinuno bilang “Original virus,” at binansagan si Duterte bilang “bagong variant.”
Daan-daang netizens ang nag-react sa kontrobersyal na post ng beteranong artist sa Twitter.

Samantala, noong 2020, nakita ni Jim ang post sa social media ng aktor na si Enchong Dee.
Nagkomento siya nang bastusin ng aktor ang kapwa celebrities na “neutral” sa gitna ng mga isyung ibinabato laban sa ABS-CBN.
Nabanggit ng nasabing singer na dapat aminin ng mga tao na natatakot sila kaysa maging neutral. Ayon kay Jim, may mga taong natatakot ngunit ginagawa pa rin ang kinakailangan.