Ginulat muli ni Megastar Sharon Cuneta ang mga tagahanga nang ipinamalas niya ang kanyang kurba sa bagong snap na ipinost niya online noong Miyerkules.
Sa isang Instagram post, muling nasilayan ang pagbabago sa pangangatawan ng aktres-singer. Pinamangha muli ng aktres ang kanyang followers sa kanyang OOTD na pantsuit at ibinahagi ang tungkol sa pagkabawas ng kanyang timbang; “Got sick these last few days. Lost weight.”

Marami ang napa-wow sa new look ni Sharon at sa kanyang short hair; kaya naman bumuhos ang papuri mula sa kanyang mga followers.
“Oh my gosh GRAAAAAAABE!!!!”
“Konti na lang lalabas na si Monique sa Maging Sino Ka Man!!!!!!!! “
“Omggggg so sexy”
May ibang nagbiro pa na tila si Daniela Mondragon mula sa palabas na Kadenang Ginto (Dimples Romana) ito; “DANIELA IS DAT YOU?”
Matatandaang noong Nobyembre ng taong nakaraan ay sinabi ni Shawie ang tungkol sa kanyang fitness journey kung saan ay nabawasan siya ng halos kalahati ng kanyang orihinal na timbang.
“I started exactly January 2016. Five years na ako naglo-lose ng weight slowly but steadily.

“But you reach a point na when you hit that number, you don’t know what it is, but when you hit that number sa scale, doon mo mano-notice na pumayat ka.
Pero hindi nila alam na ang tagal [nung process]. I am almost half of my body weight,” sabi niya.
Patuloy niyang ipinakikita ang resulta ng kanyang pagsusumikap na maging fit and trim.
Basahin: Sharon muling nakasama ang tiyuhin na si Sen. Tito Sotto matapos ang Halalan 2022

Samantala, kamakailan ay muling nakasama ni Sharon kanyang tiyuhin na si Sen, Tito Sotto matapos ang Eleksyon 2022.
Ibinahagi ng Megastar ang kanyang larawan na yakap ang tiyuhin at nilagyan ito ng caption na “Daddy” at ilang emojis.
Kasalukuyan siyang bahagi ng top-rating na serye ng ABS-CBN “Ang Probinsyano”.