Muling nakasama ni Sharon Cuneta kanyang tiyuhin na si Sen, Tito Sotto matapos ang Eleksyon 2022.
Ang ‘updating’ ay naganap makalipas ang ilang buwan matapos tapusin nina Senate president Tito at Senator Francis “Kiko” Pangilinan, asawa ni Sharon, ang kanilang vice presidential race.
Ibinahagi ng Megastar ang kanyang larawan na yakap ang tiyuhin at nilagyan ito ng caption na “Daddy” at ilang emojis.

Makikita sa feed ni Sharon na nakipag-bonding din siya sa iba pang miyembro ng pamilya ni Tito kabilang na ang anak nitong si Ciara, na tinawag niyang “kapatid.”
Nag-post rin sa Instagram si Ciara ng larawan ng kanyang ina na si Helen Gamboa kasama ang kanyang “Ate” Sharon. Nilagyan niya ng caption ang kuha gamit ang isang Bible verse.
“‘Blessed are the peacemakers, for they will be called children of God,’” isinulat niya na may quote source na Matthew 5:9, NIV.
Kinalugdan naman ito ng mga followers ng pamilya at may ilang komento kaugnay sa usaping pamilya at politika.
“Family is family – love and respect stays forever. Politics is just a job and not your life. Both parties had been so respectful with each other during the campaign period and this just shows that love wins above all. Keep spreading the love “
“All’s well that ends well (happy emojois) blood is indeed always thinker than water (emojis) so happy to see you reunited with the Sotto’s”.

Matatandaan na noong Oktubre ng nakaraang taon, inamin ni Sharon na nakaramdaman siya ng “heavy heart” nang parehong naghain sina Kiko at Tito ng kanilang mga Certificate of Candidacy para tumakbo sa pagka-bise presidente sa Eleksyon 2022.
Ngunit natalo ang dalawang politiko laban kay Vice President-elect Sara Duterte, na pormal nang iluluklok sa puwesto sa darating na Hunyo 19 sa Davao City.
Noong Disyembre, sinabi ni Senador Kiko na inaabangan niya ang “reconciliation and forgiveness” kay Tito at sa kanyang pamilya kapag natapos na ang halalan ng bise presidente sa 2022.

Basahin: Sharon Cuneta, hiling ang respeto, pagmamahal at pag-unawa
“Respeto, pagmamahal at pag-unawa. ‘Yun lang sana.”
‘Yan ang hiling ni Sharon na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram. Wala naman siyang tinutukoy sa post ngunit ipinahihiwatig niya na ang mensahe ay para sa lahat.
Ibinahagi niya ito nitong Mayo 15 ilang araw pagkatapos lumabas ang resulta ng halalan.