Sa Instagram story ni Skusta Clee ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang anak na si Bia; ang anak niya kay Zeinab Harake.
Ipinahayag niya kung gaano niya ka-miss ang anak. “I miss you so bad anak,” aniya sa kanyang caption.
Maaaring medyo matagal-tagal na rin mula nang nakasama ni Skusta si Bia, na maaaring nag-udyok sa kanya na ipahayag kung gaano niya nami-miss ang kanyang anak.
Nagtanghal kamakailan ang rapper sa Aurora Music Fest at nag-post sa social media ng clips at photos.

Pumukaw naman sa kanya ang kumakalat na viral artwork at nag-react siya rito.
Isang video noong nagtatanghal siya ng “Zebbiana” ang nagbigay inspirasyon sa nasabing artwork na kumakalat sa social media.
Sa Instagram, tinanong ng Filipino rapper-singer kung sino ang nasa likod ng viral artwork.

Noong Hunyo 12 rin ay matatandaan naman na binatikos ng mga tao si Skusta sa naganap na Aurora Fest 2022 kung saan ay nagtanghal siya kasama ang grupong Ex-Batallion sa Quezon City.
May mga kumakalat na balita na nag-walk out umano ni Skusta, ayon sa Tiktok video na nag-trending kamakailan.
Nilinaw naman ng Pandayo ang nangyari sa naging performance ni Skusta.

“Maayos na natapos ni Skusta Clee ang kanyang performance sa Alon. Nagkaron lang s’ya ng bahagyang hirap sa paghinga, ngunit ang buong set ng EXB at mismong set n’ya ay maayos at masayang natapos. Wala pong back-out o walk-out na naganap. Marami pong salamat.”
[Basahin: Ogie Diaz tells Skusta Clee to fulfill his obligations with daughter after split with Zeinab Harake]
Samantala, may komento ang entertainment reporter na si Ogie Diaz tungkol sa pagiging ama ni Skusta.
“Sana lang ‘pag ginawa mo ‘yung bata o gumawa ka ng responsibilidad, panindigan mo. Itong kay Skusta, kung galit man siya kay Zeinab, kay Zeinab siya galit. Dapat hindi dun sa bata. Dapat walang kinalaman ‘yung bata,” aniya.
“Mahirap ‘yan paglaki ng bata mababasa na lang niya sa mga social media o sa YouTube o sa history ng Google na ito pala ‘yung tatay ko, pinabayaan ako, iniwan kami ng Nanay ko. Gusto mo ba yun?” dagdag pa nito.