Vice Ganda tumugon sa netizen na nagsabing pera lamang ang habol ni Ion sa kanya

Tumugon ang comedian-host na si Vice Ganda sa post ng isang social media user na nagsabing pera lamang ang habol sa kanya ng kabiyak na si Ion Perez.

Sa Twitter, idinamay ng user sina Vice at Ion at sinabi na kung ang singer nga na si Moira Dela Torre at ang asawa nito na si Jason Hernandez ay naghiwalay, siya at ang aktor pa raw kaya ang hindi.

 

“Kung si Moira nga iniwan at niloko, si Vice Ganda pa kaya, watch. Money, money,” saad niya.

“Sayang ‘yong ibang relasyon, ano, ‘di nagtatagal. Buti pa ‘yong inggit sa puso mo panghabambuhay!” tugong tweet naman ni Vice.

Vice Ganda at Ion

Matatandaang naging emosyonal ang magkakaibigang sina Ion, Jugs Jugueta, at Teddy Corpuz nang balikan nito ang sandali kung kailan pinagbawalan itong mag-propose sa main host na si Vice Ganda.

vice ion

“Kung alam n’yo lang ‘yon lang ‘yong pain no’ng nakita namin dati si Ion pinagbawalan,” maluha-luhang wika ni Teddy. “Ta’s nakita ko si Ion nakahiga do’n… ‘Uy, anong problema?’ ‘Hindi pumayag.’ Excited kaming tatlo, e.”

“Nakakasa na, e,” pagsang-ayon ni Jugs habang nagbabalik-tanaw.

“Gusto niya nga, dito talaga sa Showtime mag-propose. Ta’s nakahiga siya do’n sa kwarto,” pagpapatuloy ni Teddy. “Nakita namin ‘yong pain. Kaya forever Team Loyal kaming tatlo.”

vice ion

Hindi nabanggit kung bakit hindi pumayag ang It’s Showtime management na sa studio mag-propose si Ion, ngunit sa huli ay naging maayos din naman ang lahat at nairaos ni Ion ang proposal sa bahay ni Vice.

Nagpapasalamat pa rin ito sa dalawang kuya niya sa show sa pag-agapay nito sa kanya habang isinasaayos ang lahat, simula pa lamang sa pagbili ng singsing.

“‘Yong ano, doon sa pagbili ko ng singsing, hindi ko alam kung saan ako pupunta,” pagbabahagi ni Ion.

“Balak pa namin magdi-disguise kami, pupunta kami ng mall. So, talagang naano ako kay Kuya Jugs, sa kanya ako unang nag-open. Tapos sabi niya, ‘Kuya Teddy mo kausapin natin.’ Nagkukulong kami sa banyo, nagme-meeting kami para lang walang makakita sa aming tatlo na pag-isipan na may gagawin kami,” pagpapatuloy niya. “Kuya Jugs, Kuya Teddy maraming salamat.”

 

Post a Comment

Previous Post Next Post