Asong tagatanggap ng parcels na idine-deliver ng riders hinangaan

May nakita ka na bang hayop na nagre-receive ng mga parcels ng iyong binili online kapag may delivery sa inyong bahay?

Sa San Mateo Rizal ay makikilala ang isang aso na si Aki, kung saan ay siya mismo ang tumatanggap ng mga parcels mula sa delivery rider para sa kanyang amo.

Si Aki ay isang taong gulang na may lahing Japanese Spitz at Pomeranian. Inilarawan ni Lheam si Aki bilang isang sweet at clingy na aso sa kanyang pamilya.

Ayon sa panayam ng Philippine Star kay Lheam, hangga’t kaya ni Aki na bitbitin ang mga parcels na dumadating sa kanilang bahay ay siya na ang kumukuha nito.

“Ever since last year po, hangga’t kaya niya po ‘yung parcel na bitbitin, siya po ang kumukuha at pinagbibigyan ng riders,” aniya.

“Every time may parcel po na ide-deliver, he would knock on our door or he would bark immediately to let us know na may tao. Actually, alam niya na nga po ‘yung tunog ng motors ng riders,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Lheam na ang aso ay hindi sumailalim sa anumang uri ng pormal na pagsasanay. Natutunan lang niya umano ito sa pagmamasid.

“Hindi po namin siya trinain intentionally na kumuha ng parcels from riders. Sobrang nasanay lang po talaga siyang kumuha ng parcels, kaya po every time na may rider na nagi-stop sa labas ng bahay, lumalabas po agad siya.”

Napahanga naman ni Aki ang maraming netizens sa kanyang talento.

“S’yempre nung una po, medyo hesitant po mga rider since it’s their duty na maibigay nang maayos sa amin and nagdo-doubt pa po sila kay Aki since may mga aso na inu-unbox ‘yung parcel mismo pagkakuha.”

“Pero nung nasanay na po sila at alam nila na gentle si Aki sa mga parcel, okay na po sila. Every time na si Aki po ang kumukuha ng parcels from them, nakangiti po sila.”

Naging magkaibigan naman si Aki at ang kanilang mga regular delivery riders.

Panoorin at bumilib kay Aki.

Post a Comment

Previous Post Next Post