Janno Gibbs naglabas ng saloobin sa tax; '‘Buwis-et!’ Middle class, kawawa dahil sa buwis'

Ang aktor na si Janno Gibbs ay naglabas ng saloobin kaugnay sa mga taong nagbabayad ng buwis.

Sa kanyang Instagram account, nagpost ang singer-aktor na kawawa umano ang mga middle class sapagkat wala raw takas sa bayarin, “Buwis-et”, aniya sa kanyang caption.

“Bayaran na naman ng Tax. Buti pa mahirap, walang babayaran. Buti pa mayaman, maraming paraan. Kawawa middle class, walang takas,” saad ni Janno sa kanyang art card sa IG post na sinamahan niya ng laughing emoji.

 

Ayon sa 52-anyos mabuti na lamang ang mga mahihirap at wala daw binabayaran at ang mayayaman naman at may kaya sa buhay ay kayang gumawa at maraming paraan makakuha ng pera. Ang talagang naaapektuhan raw dito ay ang mga middle class.

Ngunit humirit at nagbiro pa rin si Janno na, “Buti na lang wala akong trabaho.”

Marami naman ang naka-relate sa aktor at nagbigay ng iba’t ibang reaksyon at komento.

“Sabi nga po ng iba d’yan the middle class can take care of themselves.”

“You made my day, Sir Janno… Great one.”

“On point naman! Ang nakikinabang ‘yung mahihirap. Ok lang sana kung deserving, pero kadalasan, ‘yung mga tambay at walang ginagawa ang nakikinabang.”

“Sana pwedeng piliin kanino ipapa handle ang tax, haysss.”

Ang Tax ay mahalagang obligasyong pataw na bayarin mula sa isang estado kung saan nagmumula ang pondo upang maisagawa ang mga proyekto ng pamahalaan.

Basahin: Janno Gibbs sinopla ang netizen na nagsabing ‘Double time mga kakampink. You have 4 days to go’

Kamakailan ay inalmahan ni Janno ang isang netizen na nag-iwan ng negatibong komento tungkol sa Kakampinks.

Sa isang Instagram story, nag-post ang beteranong singer-actor ng screenshot ng unsolicited comment ng isang netizen. Aniya, “Double time mga kakampink. You have 4 days to go” na may kalakip na green at red heart emoji.

Sinagot naman niya ito at sinabing, “Double time din kayo sa pag-visit ng Kakampink posts.”

Post a Comment

Previous Post Next Post