Babaeng Palaboy sa viral na ‘FREE HUG’ live report, namaalam na

Namaalam na pala ang palaboy na nag-viral sa social media kamakailan nang yakapin nito ang reporter ng ABS-CBN sa live report nito noong Abril.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN news, habang nasa psychiatric hospital kung saan naka-confine at nagpapagamot si Melanie Dubos, aka Mona, ay pumanaw na nga ito at ipinaalam sa pamilya nitong Sabado, Hulyo 2.

Kinumpirma naman ni Peachy Lacabo ng Muntinlupa Social Services Department ang balita. Wala pang ulat sa resulta kung ano ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.

 

Ikinalungkot naman ng mga netizens ang sinapit ng babaeng minsan ay pumukaw sa damdamin ng mga manonood.

“God is good. Nahanap niya ang pamilya niya bago siya pumanaw. Indeed, life is too short. Let us cherish every moment as if it were the last. Let us use our precious time wisely. Love faithfully and be kind always. May eternal repose be granted thee upon her soul.”

“Rest in peace, hindi ka na palaboy sa kalangitan, kapiling mo na ang mga anghel at hawak kamay kayong mag- aawitan sa saya at tuwa, God bless.”

“R.I.P. My deepest sympathy to the family.”

Basahin: Bagong reporter ng ABS CBN nakatanggap ng free hug mula sa palaboy

Noong Abril ay marami ang natuwa sa bagong reporter ng ABS-CBN na si Izzy Lee. Ibinahagi niya sa kaniyang Twitter ang mga litrato na kuha habang naghahanda siya para sa kanyang live report.

Makikita na lumalapit sa kaniya ang isang babaeng palaboy na kinalaunan ay yumakap pa sa kanya.

“So this happened at work today. A free hug,” ani Izzy sa kanyang tweet. Umabot sa mahigit 70.2k na beses itong ni-retweet at nakakuha ng 659.9K na likes mula sa mga Twitter users.

Maraming netizens ang natuwa sa naging reaksyon ni Izzy kahit halatang nagulat ito sa ginawa ng babae: “Ang boto natin sa Mayo 9 ay lalong para sa kanila. Bumoto tayo nang tama. Maka-Diyos. Maka-Bayan. Maka-Tao. ‘Yung tunay at walang bahid ng kasinungalingan.”

RELATED: Netizen says homeless lady in a viral post might be her missing aunt

Post a Comment

Previous Post Next Post