#UlirangTita version 2.0 todo OOTD para sa graduation ng kanyang pamangkin

Bawat magulang o guardian man ay nananabik at masayang makita ang kanilang anak o alaga na makatapos ng pag-aaral at makaakyat ng entablado.

‘Yan ang naramdaman ng isang nakilalang ‘#UlirangTita’  na si Annel Ramones, 23, mula sa Bacoor Cavite, nang excited  na nagtapos at ‘umakyat’ sa stage ang kanyang pamangkin na si Miggy.

Dahil sa kanyang bonggang outfit ay muling nag-viral ang kanyang mga photos na in-upload sa kanyang Facebook account na version 2.0 na tila may guwardiya na siyang kasama.

“Ang pagbabalik! whahdhja eh graduation naman daw niya ngaun,,,,, syempre ‘di naman tayo papayag magpakabog 4 todays videownavility!?” saad ni Annel sa kanyang caption sa post.

Noong 2021 ay matatandaang nag-viral rin siya, “Bilang isang extrang tita na hindi naman nakaka gala sa labas, pumorma talaga me! I sent them sa family gc and tawang tawa silang lahat,” pagbabahagi niya.

“Kaso nagchange ako last minute, kasi nahihiya talaga yung pamangkin ko! Reading-ready na sana ako!” panghihinanyang niyang sabi.

 

Ayon sa 23-anyos, ikinuwento niya sa Smart Parenting ang kuwento sa likod ng kanyang mga larawan na bihis na bihis at ready na sa graduation ng kanyang pamangkin  na si Miggy.

“Last year 2021, ako yung last option para umattend ng graduation ng pamangkin ko. ‘Yung dad n’ya kasi nurse on duty, and then my mom can’t attend as well kasi may lakad daw.”

Pagbabahagi ni Anne, first time niyang dumalo sa mga ganitong event, “Tas syempre young adult ako, I just graduated 3 years ago! Kung baga for the longest time, magulang ko ‘yung umaakyat ng stage pag may mga ganitong pagkakataon so syempre na excite ako sa pag-attend!”

Pagkukuwento niya, “Eh naisip ko lang sa back ng mind ko, what if mag bihis ako ng sobrang OA tapos umattend ako? Tutal zoom lang naman, wala naman mawawala.

Kaso syempre nasa puberty stage na yung pamangkin ko, nakakahiya daw so nagpalit na lang ako ng normal clothes tapos nag picture na lang kami kasi sayang naman?!”

Sa ngayon ang post ni Annel ay umabot sa mahigit 54k reacts at 20k shares sa kanyang FB.

Kaya naman maraming titas na ‘gusto’ ring gawin ang ganito sa kanilang mga pamangkin na magtatapos.

“Pag ako talaga sinapian magsusuot ako ganito sa grad ng pamangkin ko.”

“‘Yung pamangkin mo badtrip na ang cute”

“Ready si bodyguard in case ma-lowbat may dalang charger port HAHAHAHA”

“Ok I like this HAHAHAHAH payaman muna bago mang trip sa graduation nila HAHAAHHA”

Post a Comment

Previous Post Next Post