Chicharon vendor nakapagtapos ng kolehiyo, 'Sa aking mga suki, maraming salamat'

Isang chicharon vendor ang nakapagtapos ng kolehiyo; isang patunay na  walang limitasyon sa edad para makamit ng isang tao ang kanyang mga pangarap sa buhay at para sa kanyang pamilya.

Nakilala ang masipag na vendor na si tatay Jesus Fuentes, 41. Nagtapos siya ng Bachelor of Elementary Education sa Talisay City College sa Cebu.

Sa edad na 41, makikita na determinado na nag-aaral at nagtitinda si tatay para matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya at kahit hirap sa buhay ay hindi hadlang upang makamit ang inaasam na pag-aaral.

Noong June 5 ay nag-post sa kanyang FB account ng pasasalamat si Jesus sa lahat ng tumulong at nagbigay suporta sa kaniya pati na rin sa mga naging customer nito.

“I would like to extend my deepest gratitude to our God for always there for me everytime when I needed him in all my ups and downs.

“Sa aking mga suki sa chicharon, maraming salamat sa pagsuporta ninyo sa aking maliit na paninda, kahit maliit basta palagi. Mainit, umulan, pupunta ako sa inyong mga tahanan isa-isa para lamang makasustento ako sa aking mga anak at aking pamilya,” aniya.

Dahil sa pang-unawa at tiwala ng kanyang mga suki, ginanahan daw si Jesus na lalong magpursige sa hangaring makatapos.

“Kasama kayo sa aking achievement sa buhay,” aniya sa kanyang mga suki.

Sabi pa niya, “Kahit na nagsasawa na kayo sa aking mukha sa pagbalik-balik ko sa inyong mga tahanan, bumili pa din kayo sa akin. Maraming salamat mga suki.

“Bili pa din kayo chicharon ko, ha,” dagdag pa niya.

Maraming netizen ang na-inspire sa post ni Jesus na umani ng papuri at humakot ng mahigit 77k reacts at 31k shares, as of posting.

“Congratulations Mr. Fuentes!!! Kahanga hanga ang inyong determination and hard work. Pagpalain kayo ng Diyos!!!”

“Goose bumps! Congratulations, Tay!”

“Sana maging huwaran kayo sa iba lalo na sa mga kabataan sa ngayon…Proud sa inyo ang sambayanang Pilipino..keep up the good work po Tatay Jesus!”

Post a Comment

Previous Post Next Post