Tinuping bagong 1000 pesos polymer banknote, hindi umano tinanggap sa isang mall

Nag-viral ang isang post sa social media matapos nitong kumalat noong weekend kung saan ay nagpahayag ng pagkadismaa ang isang netizen na nagrereklamo na ang isang sikat na mall ay tumangging tanggapin ang kanyang bahagyang nakatiklop na 1,000-peso polymer banknote.

Ang orihinal na post ay ibinahagi ng Facebook user na si Reylen Lopez, na nagsabi sa INQUIRER.net na nagpasya siyang gawing pribado ang post matapos makakuha ng libu-libong reaksyon sa Facebook at humigit-kumulang 78,000 shares o reposts.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Lopez ang kanyang pagkadismaya sa naranasan umano at pinayuhan ang publiko na huwag itago o iimbak ang kanilang bagong P1,000 polymer banknotes.

“Wag na po kayo mag-ipon ng bagong 1k! Bawal daw i-fold o tupiin as per SM management…. I-pang babayad ko sa na ito, hindi nila tinanggap.. bawal daw po tupiin hindi kami na inform, ako lang ba hindi nakakaalam ? Haissst!,” ayon sa post ni Lopez.

Kaagad namang nag-issue ng statement ang SM para i-address ang nasabing post.

Tinitiyak ng SM Supermalls sa publiko na ang mga retail store nito ay tatanggap ng mga nakatuping papel de bangko, maliban sa mga pinutol, na-staple, at napunit dulot ng pagtanggal ng staple wire.

“Our policy has considered the guidelines set by the Bangko Sentral ng Pilipinas. We encourage the public not to engage with the misleading social media posts,” pahayag ng naturang mall.

Ayon sa BSP  poost noong Hunyo 12, tatanggapin ang natupi na P1,000 polymer sa bangko o retaillers.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) informs the public that folded banknotes, whether paper or polymer, can still be circulated and accepted for payment. As such, retailers and banks should accept them for day-to-day payment transactions,” saad ng BSP sa FB page.

“The BSP issues this advisory to address social media concerns about the non-acceptance of some establishments of folded 1000-Piso polymer banknotes.”

 

Post a Comment

Previous Post Next Post