Chichirya lei? Post ng isang graduate kinaaliwan, 'Nalilito ako kung nag-graduate ako o nagtitinda ng pagkain'

Makalipas ang ilang taon ay nakaakyat muli ng entablado ang mga estudyante kaya naman iba-ibang gimik at pakabog ang nag-viral online. Pandemya ka lang, Pinoy kami; sabi nga ng ilang netizens.

Kaugnay dito, kinagiliwan sa social media ang isang mag-aaral na nagtapos noong Hunyo 29 dahil sa larawang naghatid ng kaaliwan sa netizens. Ang nagbahagi ng kanyang larawan ay si Mark Jason Wanimal (aka Mark L. Pacamalan) ng Alubijid, Misamis Oriental.

Sinabit umano ito ng kanyang pinsan kaya nalilito siya kung  ga-graduate ba siya o magtitinda sa stage.

“Nalilito ako kung nag-graduate ako o nagtitinda ng pagkain, BTW… Salamat sa nagbigay ng garlan na chichiria,” saad ni Mark sa kanyang Facebook post.

(Nag libog ko mo graduate bako or mamaligyaa kog makaon BTW… Salamat sa nag hatag sa garlan nga chichiria, orihinal niyang pagbabahagi.)

Marami ang naaliw sa naturang post kaya naman humakot ito ng maraming reactions at mahigit 600 comments at 32k shares, as of posting.

“Better than a lei of flowers. Pag nalanta na ung flowers , itatapon na . With that , Di masasayang . Enjoy ka pa sa chichiria especially if shared with friends”

“Ganyan dito sa Hawaii nagbibigay sila ng mga lei na chips or candies chocolates. congratsss!”

“Congratulations! Your cousin has a good idea he doesn’t want you to get hungry instead of flowers it makes sense. Good Luck!”

“Kumikitang kabuhayan. Sari-sari store start up package.”

“Enjoy whatever gift given to you and be grateful. Loved ones and friends are just happy for you. Focus on your future. God bless you!”

Basahin: Ina sinurpresa ang anak na babae ng ‘garland bills’ matapos ang graduation ceremony nito

Samantala, isang estudyante naman ang sinurpresa ng ina nang hinandugan ito ng garland bills. Sino ba naman ang hindi sasaya kapag ganito ang gift sa ‘yo?

“Totoo ba, like, hindi mo ‘yan babawiin pag-uwi sa bahay? are you sure po, Ma?” ani Christine sa isang Philippine Star feature.

Post a Comment

Previous Post Next Post