Mime artist, good vibes ang hatid sa mga turista sa Baguio, netizens

Sa likod ng bright-looking Green Soldier costume ay isang 31 taong gulang na lalaki na gustong-gustong aliwin ang publiko.

Siya si Jhonwel Reyes na nagsimula bilang mime performer sa Maynila noong 2013.

Makalipas ang isang taon, nagpasya siyang bumisita sa Baguio at maghanap ng mga posibleng paraan para kumita para sa kanyang pamilya.

“Naging interesado po ako sa larangan ng pagiging mime kasi marami pong taong napapasaya. Si Green Soldier ang naging dahilan kung bakit nakilala tayo nang husto,” aniya sa “The Philippine STAR.”

Noong 2014, ay sinubukan niyang ipakita ang kanyang mime artistry sa Session Road sa Baguio City.

“Alam niyo po ‘yung mga laruan na maliliit na sunda-sundalo no’ng araw? Do’n ko po nakita ‘yung idea para po gawin ‘yung gano’ng karakter. Pumasok kasi sa isip ko na magiging masaya ako kapag naging ganito ako [mime]. Kasi bukod sa ginagawa ko na ‘yung gusto ko, nakakapagpasaya pa ako ng maraming tao,” pagbabahagi niya.

Pagkalipas ng ilang taon, isa na siya sa mga highlight sa pagbisita sa City of Pines!

Nagtatanghal siya sa kahabaan ng Session Road tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo. Inaanyayahan din ngayon si Jhonwel na magtanghal sa iba’t ibang mga kaganapan sa buong Luzon.

“Sa pagiging [mime] performer ko nakikita kung ga’no kasaya ang maraming taong nakapalibot sa ‘kin habang ako’y nasa entablado. Higit sa lahat ay dito ko nare-relieve ‘yung mga problema ko rin,” dagdag pa niya.

Matandang Lalaki Nanghaharana sa Baguio Night Market

Samantala, kamakailan naman ay nag-viral sa social media ang matandang lalaki matapos i-record ng mga turista habang naghaharana sa mga dumadaan.

Si Job Baeza at ang kanyang mga kaibigan ay nasa bakasyon nang mamataan nila si tatay na nagtatanghal malapit sa Baguio Night Market noong Mayo 19, 2022.

Ayon kay Job, si Tatay ay nagtatanghal sa mga dumadaan para matustusan ang kanyang pangangailangan sa medical bilang isang dialysis patient.

Kapag nakita ninyo siya doon, kaunting tulong man ay malaking bagay na. Ingat po kayo, Tay Job.

Post a Comment

Previous Post Next Post