'My Father is really the best': Anak sinurpresa ang ama sa trabaho, inalayan ng mga medalya

Isang masipag at mapagmahal na anak ang nakapagtapos ng Junior High School at may surpresa itong handog sa kanyang ama.

Nakaaantig damdaming video ang in-upload ni Sheila Rebayla na taga- Misamis Oriental, sa kanyang Facebook wall kung saan ay tila nasurpresa niya ang kanyang ama na si Leonardo na nagwawalis sa isang construction site.

“Although I am aware that I still have a long way to go, I want to thank you for always being our pillar of strength, cheerleader, and staunchest ally,” saad ng studyante sa kanyang FB post.

Mahihinuha na hindi ito nakadalo sa pagtatapos ng anak dahil mayroon itong trabaho. Laking gulat ng ama nang biglang sumulpot ang kanyang anak doon at ilang kasama.

Makikita sa video ang napakalaking ngiti nito at napasayaw pa habang iwinawagayway ang mga medalya.  Niyakap naman siya ni Sheila.

“Honestly, I did not intend to make this video go viral to the public because I only took it as a piece of documentation. I hung those medals on my father as a piece of appreciation and offering,” ani Sheila na wala umanong balak magpasikat sa social media.

He couldn’t make it to my completion ceremony because he was working, and so only my mother and relatives made it to the ceremony,” paliwanag niya.

Ayon pa kay Sheila hindi raw niya alam kung nasaan siya ngayon kung hindi dahil sa sakripisyo at pagsisipag ng kanyang mga magulang para makapagtapos lamang siya ng pag-aaral.

“My father is really the best. I couldn’t be where I am right now if not for his sacrifices. Same also for my mom. They all deserve credit for these accomplishments. Above all, God deserves all the glory and honor.”

Bumuhos ang pagbati mula sa netizens na naging emosyonal nang mapanood ang naturang video na umabot na sa 65k shares at 183k reacts, as of posting.

“This video makes me cry and the same time so much happy. Congrats to you And also your father with your Mom, and all your family”

“Ang ganda ng smile ni Tatay. Congrats po.”

“Isang bagay na hindi ko naibigay sa mga magulang ko.. Congrats sayo..”

“Priceless ‘yung makita mo ang magandang ngiti ng mga magulang mo.”

Panoorin ang kanilang video na umani na ng mahigit 4.1 million views at libo libong comments ng pagbati.

Post a Comment

Previous Post Next Post