Sa Facebook page ng direktor na si Darryl Yap ay ibinahagi ang larawan na nagpapakitang magiging parte nga si Sen. Robin Padilla sa pelikulang ‘Maid in Malacañang’.
“Yes. Senator Robin Padilla in #MAIDinMALACAÑANG,” ani Darryl sa kanyang Facebook post.
Makikita sa photos na nakasuot ng uniporme at gaganap bilang sundalo si Robin.

Sa isa pang FB post, nag-upload muli ang direktor ng larawan nilang tatlo nina Robin at Cesar Montano, na gaganap naman bilang dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“With Rizal and Bonifacio.
“Waway and Anak ni Baby Ama.
“With a Commander in Chief and a Filipino Soldier.
“Pangatlong Taon ko pa lamang sa Industriya, sobrang laking karangalan.”

Ini-repost ng aktres na si Ruffa Gutierrez na gaganap naman bilang dating first lady ang post ni Daryl.
“Shooting everyday, all night. Senator Robin Padilla is now part of the cast. Excited for “Maid In Malacañang”, showing in movie theaters worldwide SOON.”
Basahin: Robin Padilla quitting showbiz to focus on job as senator; vows to push for reforms
Sinabi ni Robin kamakailan na hindi na muna siya tatanggap ng movie projects upang matutukan ang kanyang pinakabagong trabaho bilang senador ng republika.
Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ng 52-anyos na ang kanyang pangunahing adbokasiya sa Senado ay ang pagsusulong ng mga reporma sa 1987 Constitution.

“Mahalaga sa akin magtrabaho na ako para pagtuunan ang mga reporma sa batas,“ sabi ng aktor.
“Last movie ko na ‘yan, kailangan lang tapusin pero after that, trabaho na lang sa Senado, matitira lang public service ko sa radyo,” pahayag ng aktor-senador sa isang television interview noong Mayo 18 ng gabi.
Basahin: Karen Davila on senator-elect Robin Padilla’s decision to leave showbiz: ‘Good move’
“GOOD MOVE Sen Robin Padilla. Winning showbiz candidates should stop treating the senate like a bonus or just a stature post. Let us demand they do the work, show up and be active. The Filipino people deserve no less,” ani Karen.