Geneva sa nililigawan ng pinsang si Rayver: 'Julie, we cannot wait na magkaroon ng pamangkin'

Hindi pa man nagiging magkasintahan ang Kapuso stars na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose ay diretsahan nang sinabi ng pinsan ng aktor na si Geneva Cruz kung ano ang inaabangan ng pamilya nila sakaling sagutin na si Rayver ng singer-actress.

geneva rayver

Sa birthday celebration ni Rayver sa All-Out Sundays, kamakailan, hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang mga kapamilya nito na idamay si Julie sa kanilang mga birthday message para sa aktor. Isa ang mensahe ni Geneva kay Rayver sa mga nagdala ng tawanan sa nasabing show.

“Ang warning lang para kay Julie, ito diretso, dahil Cruz si Rayver, maghanda ka na. We cannot wait na magkaroon kami ng pamangkin. Excited na kami. Diretso na ’yon, sana maging kayo na talaga,” ani Geneva, na tinugon lamang ng mga halakhak nina Julie at Rayver.

geneva rayver

Sinabihan naman ni Rodjun Cruz ang nililigawan ng kapatid na bigyan ito ng oras sa gaming.

“Julie, alam mo, kailangan si Ray, bigyan mo ’yan ng time sa gaming n’ya,” natatawang babala ng aktor. “Kasi ‘pag nagko-computer ‘yan, may sariling mundo ’yan. Kahit tumatawag ako hindi ako pinapansin n’yan. Busy s’ya maglaro.”

Agad namang sumalag si Rayver sa kuya niya at sinabing, “Hindi, itatapon ko na ’yon. Itatapon ko na ’yon.”

Ganito rin ang warning ng misis ni Rodjun na si Dianne Medina, “Julie, extra patience for Ray. Bakit? Pag ka-text mo si Rayver ang tagal mag-reply minsan so kailangan pasensya para mag-reply. May ganu’n kasi si Rayver, kapag kunwari into games na s’ya minsan matagal s’ya mag-reply.”

geneva rayver

“Medyo strike two na ang gaming, Ray, ah,” biro ni Christian Bautista.

“Hindi, itatapon ko na talaga. Itatapon ko na ’yon,” wika muli ni Rayver.

Samantala, proud naman si Sunshine nang sabihing sa kanya ipinaglihi si Rayver kaya magkamukha sila. Ang payo lang daw niya sa magiging “forever” nito, “Kailangan marunong magsaing. Kasi si Rayver kaya n’ya hanggang seven cups of rice. So, dapat marunong magsaing ng masarap na kanin.”

Narito ang masayang birthday celebration ni Rayver kasabay ang kasamahan niya sa All-Out Sundays na si Barbie Forteza, isang selebrasyon na dinaluhan ng mga malalapit na sa kanila sa industriya:

Post a Comment

Previous Post Next Post