Isang mabuting guro ang nakaantig ng puso ng netizens matapos nitong mapansin ang sira at puro scotch tape na sapatos ng isang graduating student nang nagmamartsa ito sa kanilang graduation cremony. Agad nitong ibinigay ang kaniyang bagong sapatos sa mag-aaral.
Makikita ang estudyante na si Rey Paul O Daval na naka-line up para sa kanyang graduation ceremony nang mamataan ito ng guro na nakilalang si Sir Christian Carpio. Hindi nagdalawang isip si Sir Christian na ibigay ang gamit niyang sapatos.
Sa Facebook account ni Van Nessa na kapwa guro ni Sir Christian ay kaniyang ibinahagi ang mga nakaaantig na larawan mula sa Labuan Central School, Zamboanga City.

“Huhuhu kahilakun ku Godbless you doi Zion Xian.. bili ka na lang ulit shoes. MSE beke nemen?” natutuwang emosyonal na post ng isang guro.
Ayon sa ulat ng GMA News, naawa umano ang guro dahil sa sirang sapatos nito at iniregalo na lamang niya ang kanyang gamit na footwear sa estudyante. Wow naman talaga!
Nakatutuwa naman si teacher dahil sa napakamabuti nito ay hinangaan siya ng mga netizens.
Sa ngayon ay umani ng maraming papuri at komento ang naturang post at nakakuha na ng libo-libong comments at shares sa mga Facebook pages.

“Mabuhay ka, Sir. You are a true hero”
“Salute to the student na pinili pa ring mag-martsa kahit ganun ang shoes n’ya but God is good, He immediately touch the heart of the teacher to be a vessel of God’s goodness and salute to the teacher for responding for such a good deed.”
“Ito sigurado ako maganda future ng bata na ito nagpapakita ng determinasyun nakukuntinto kung anong mayroong kakayahan ang magulang hindi materialistic. Sure ako matutupad ang pangarap nito.”

“Dapat ganyan ang mga gurong tularan na may puso, awa at pagmamahal sa mga studyante. SALUTE to you sir for your exemplary gesture that brought a great positive impact to your student life, he will forever remember you sir God bless.”
“Literally nagka-goosebumps ako kudos to this wonderful and kind hearted teacher. Proud of you sir. You deserve to be called UNSUNG HERO of MODERN TIMES. God bless you both. Proud teacher’s daughter here.”
Good job ka, Sir! Ayun, nasagap na ng Kapuso ang iyong kuwento ng kabutihan!