Humor sa mag-asawa, tunay na mahalaga

May mga hinahangaan ka rin bang couples na parang walang problema sa relasyon nila at tila happy lang sila lagi?

Sari-saring mag-asawa ang nakakahalubilo ko, lalo na kapag may parenting workshop kami noon. Maraming nakalolokang LQ ng mag-asawa ang naidulog na rin sa inyong lingkod: sa kapitbahayan, mga naging kaibigan, kliyente, at sa mga naging kasama sa activities sa community empowerment, at s’yempre sa FB.

Nakatutuwa lang minsan, na sa kabila ng mga chika issues, meron at meron pa ding anggulo na magdadala sa atin sa tawanan imbes na iyakan.

Andiyan ‘yung selosan blues: “Mj, tignan mo nga ako at sabihin mo kung mala-diyosa ang kagandahan ko para magselos pa ang mister ko? Payat, maitim, bungal at walang boobs? Itong itsura bang ito ang dapat pang bantayan?” Lol

Andiyan ‘yung walang kuwentang ugat: “Isang linggo na akong hindi kinakausap ng misis ko.“

Bakit naman? “Tinanong kasi ng anak namin kung kailan kami naging magnobyo ng mama nila, e hindi ko na talaga matandaan ang petsa. Napakatagal na noon eh! Mahina talaga ako sa History!” LOL!

Andiyan ‘yung guessing game incidents: “Ma, ang dami kong nakain. Ang sarap ng pagkakaluto mo sa Afritada.”

“Afritada? Anong Afritada, e, kare-kare ‘yang niluto ko! Walanghiya ka! Nang-iinsulto ka ba?”

Nabato tuloy ng kutsara si mister at hindi nagluto nang ilang araw si misis. Next time kasi, ‘wag nang lagyan ng nouns. “Ang sarap ng luto mo.“ Period! LOL!

Andiyan ang cell phone accidents: “Love ko, kumain ka na ba? Sunduin mo ako mamaya ha. I love you! mwah”

Hala! Nabalibag ni misis ang CP sa batong pader at nagkalasug-lasog na (hindi pa pala tapos hulugan). Matapos ang mahabang interogasyon, isinaksak ang sim sa ibang cp, nalamang wrong send lang pala. Nasayang ang IPhone… Daanin muna kasi sa tamang proseso. LOL!

Andiyan ang when-is-the-right-time issues: “Mj, ‘di ba once a month lang ang visitor n’yong mga babae? Eh bakit twice a month may declare si misis ng red flag is up? Sobrang diyeta naman ako nun!”

“Eh kasi, mj, ikaw ba naman hindi duduguin kung mahigit kalahati ng suweldo niya, nawawala???” (Oo nga naman…) LOL!

Eto ngayon ang isang paborito kong email na na-send sa akin ng isang kaibigan. Walang author to ha. Let’s have some more laughs…mahirap yung laging serious eh!

This is the best and most civil way daw to have a fight between husband and wife instead of resorting to physical force… idaan sa poems. ^__^

WIFE:
I wrote your name on sand it got washed. I wrote your name in air, it was blown away. Then I wrote your name on my heart & I got Heart Attack!

HUSBAND:
God saw me hungry, he created pizza. He saw me thirsty, he created Pepsi. He saw me in the dark, he created light. He saw me without problems, he created YOU!

—-

“Husband is one who is the head of the family, but his wife is the neck, and whichever way she turns, he goes.”
—-
A man in Hell asked the Devil: Can I make a call to my Wife? After making the call he asked how much to pay. Devil : Nothing, Hell to Hell is Free.
—-
Husband: Do you know the meaning of WIFE? It means, Without Information, Fighting Everytime!
Wife: No darling, it means – With Idiot For Ever
—-
Wife: I wish I was a newspaper. So I’d be in your hands all day.
Husband: I too wish that you were a newspaper, So I could have a new one every day.

Doctor: Your husband needs rest and peace. Here are some sleeping Pills.
Wife: When must I give them to him?
Doctor: They are for you!

—-

Wife: I had to marry you to find out how stupid you are..

Husband: You should have known it the minute I asked you to marry me.
—-
And life goes on…….. Why did God ever create Eve? – Since then… God never rest.

(Humor, humor… without it, we won’t survive!)

Just for laughs, ok? Rated PG. Wag gayahin sa inyong mga asa-asawa! ^___^

Pero teka, seryoso muna tayo. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga couples daw “who laugh together are more likely to stay together.”

Ang mga couples umano na may parehong sense of humor at parehong nakasasakay sa mga bagay na nakatutuwa o nakatatawa ay posibleng nasa “road to lasting love and happiness.”

Ayon sa pag-aaral na tinutukan ni Jeffrey Hall mula sa University of Kansas, sinuri nila ang kahalagahan ng ‘humor’ sa isang relasyon.

Lumalabas umano sa kanilang pagsusuri na ang tunay na mahalaga ay hindi yaong makahanap ka ng partner na may sense of humor kundi ang makatagpo ka ng partner “who shares the same sense of humor as you.”  Magkaiba pala ‘yun!  Hindi puwedeng isa lang ang may sense of humor. Mas mainam kung lapat ang sense of humor ninyong dalawa.

Paglalahad ni Hall, “People say they want a sense of humour in a mate, but that’s a broad concept. That people think you are funny or you can make a joke out of anything is not strongly related to relationship satisfaction. What is strongly related to relationship satisfaction is the humor that couples create together.”

Post a Comment

Previous Post Next Post