AJ Raval positibo sa Covid 19, hindi sa pregnancy test

Muling itinanggi ng controversial star na si AJ Raval na siya ay buntis; ito ay sa gitna ng mga usap-usapan na magkakaroon na siya ng anak sa rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Muling umusbong ang mga haka-haka na nagdadalantao si Raval nang sabihin ng entertainment columnist na si Cristy Fermin sa Showbiz Now Na Channel sa YouTube noong Martes, Hulyo 19, na inamin umano ng aktres ang pagbubuntis sa hindi pinangalanang  source.

 

Muling ibinasura ng aktres ang mga bali-balita kaugnay dito sa pamamagitan umano ng isang text message na ipinadala niya sa “Frontline Pilipinas” ng TV5, na ipinakita sa Facebook page ng huli noong Miyerkules, Hulyo 20.

Paliwanag ni Raval, hindi niya natapos ang movie project dahil nagpositibo siya sa COVID-19, kasama ang mga co-stars niya, habang nagsu-shooting.

Basahin: Cristy Fermin sinabing nagdadalantao si AJ Raval, ‘Siyento porsyento’

Sinabi ni Cristy na 100 percent sure siyang totoo ang mga balitang kumakalat kaugnay sa aktres kamakailan sa episode ng online show na “Showbiz Now Na” nitong Hulyo 19.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin nang siyento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalantao po si AJ Raval,” matapang na sabi ng columnist.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam kong lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ. Ang nakaka-nerbiyos, baka mamaya, may magsulsol kay Kylie Padilla. Hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” sabi pa niya.

Ang mga alingawngaw ng pagbubuntis na kinasasangkutan ni Raval ay unang nagsimulang kumalat noong nakaraang buwan, ngunit itinanggi rin niya ito noon.

Ngunit tikom pa rin ang bibig ng aktor sa mga isyung lumalabas kaugnay sa diumano’y pagdadalantao ni Raval.

 

Ilang buwan nang magkarelasyon umano sina Abrenica at Raval, kasunod ng mga haka-haka na ang aktres ang naging sanhi ng paghihiwalay ni Abrenica at ng aktres na si Kylie Padilla.

Samantala, kinumpirma ni Raval noong Oktubre 2021 na sila ni Abrenica ay nasa stage ng ‘getting to know each other’, ngunit itinanggi na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng dating mag-asawa.

Basahin: Spotted: Aljur at AJ magkasama sa Araw ng mga Puso

Matatandaang magkasama sa isang hotel sa Leyte ang aktres at si Abrenica noong Araw ng mga Puso.

Post a Comment

Previous Post Next Post