Ina sinurpresa ang anak na babae ng 'garland bills' matapos ang graduation ceremony nito

Nakatanggap ka na ba ng garland bills sa araw ng iyong graduation?

Well, happy si Christine Abila na nakatanggap ng garland bills mula sa kanyang ina.

Ayon kay Mommy Dinah, gusto niyang surpresahin ang anak pagkatapos ng matagumpay na pagtatapos nito sa Junior High School.

Pagkatapos ng graduation ceremony ni Christine ay inakala niya na kukuha lamang sila ng kanyang ina ng isang simpleng larawan upang markahan ang kanyang pinakabagong milestone.

Hanggang sa ginawaran siya ng kanyang ina ng kakaibang garland; isang garland na puno ng pesos at dollar bills.

Hindi naman niya inaasahan ang surpresang ito ng kanyang ina.

“Totoo ba, like, hindi mo ‘yan babawiin pag-uwi sa bahay? are you sure po, Ma?” ani Christine sa Philippine Star feature.

“My mom pulled my hand po kasi sabi niya may ibibigay siya sa akin. So I turned around and I saw her holding the garland.”

“Tapos my friend took a video of us, kasi na-surprise nga ako.”

Sa kabuuan ay nakatanggaop si  Christine ng P8,000 at $35 at gagamitin daw niya ito para sa mga gastusin niya sa kolehiyo.

Si Mommy Dinah ay isang housewife habang ang kanyang asawa ay isang seaman sa loob ng 10 taon.

Through ups and downs, ay nandiyan umano si Mommy Dinah para kay Christine.

Thank you kasi andyan ka palagi para sa kain through ups and downs. Andyan ka lagi sa aking tabi. Palagi mo akong binibigyan ng advice kung anong dapat kong gawin.”

“Salamat kasi pinag-aral mo ako at salamat sa lahat-lahat ng binigay mo sa akin at sa aming magkakapatid,” dagdag pa niya.

Si Christine ay kasalukuyang grade 11 student sa Infant Jesus School ng Bukidnon at plano niyang kumuha ng dentistry sa kolehiyo.

“Sa mga students na nag-i-struggle, ‘wag kayo susuko sa mga pangarap ninyo.”

“Kahit maraming hadlang, lalaban tayo para tayo ay makapagtapos ng pag-aaral, bilang kapalit ng paghihirap ng ating mga magulang.”

Pampasaya ang ginawa ni Mommy Dinah para sa kanyang anak. Pampanimulang ipon naman ito para sa nagtapos ng JHS.

Post a Comment

Previous Post Next Post