Inspirasyon: Honor student na may kapansanan, naka-graduate ng SHS

Isang mag-aaral ang matagumpay na nakapagtapos ng Senior High School  sa kabila ng kakulangan sa kanyang pangangatawan.

Pinatunayan  ng 24-anyos na si Aldrin Pawa na wala mang kamay at paa ay nagawa pa rin niyang maging isang honor student sa Palawan National High School.

Sa Ulat ng Bayan Mo, Ipatrol Mo, kahanga-hanga umano ang ipinakita ni Aldrin; isang patunay na kahit sino ay kayang mag-aral at kung may pangarap ay kakayanin nitong makamit iyun sa pagsisikap at tiyaga.

Aniya, “Umulan man o mainit…minsan sa sobrang init nagkakaroon ako ng nana sa tuhod kakalakad. Lahat yan tiniis ko pinagtiyagaan ko para mapatunayan ko sa sarili ko na itong “PUTOL” na tinatawag nila ay makakapag tapos ng pag aaral.”

Talagang nakabibilib ang kakayahan ni Aldrin sapagkat kung sino pa ang may kapansanan ay siya pa ang nagsisipag at nagpupursigi makamit lamang ang pangarap na makapagtapos at mapatunayan sa sarili na walang imposible.

Ayon pa sa kanyang guro na si Kyle Allyza Alvarez, ibang klase umano si Aldrin. “I was really amazed. Alam natin na hindi madali, lalo na we are still under a pandemic, pero ang galing niya, hindi siya sumuko.”

Ibinahagi rin ito ni teacher Kyle sa kanyang Facebook account at sinabing, “It’s not our disabilities, it’s our abilities that count.

“Di ko alam ang kwento mo pero napahanga mo ako! Salute to all people like you!

“You are a living proof na kelan man hindi magiging hadlang ang kapansanan upang maabot ang mga pangarap na inaasam.”

Nagpasalamat naman si Aldrin sa Panginoon lalo na sa kanyang pamilya, “Una po sa lahat, Gusto ko pong magpasalamat sa Panginoon, Dahil sa ginabayan niya ako sa bawat araw at oras at nagpapasalamat din ako sa kauna-unahang naniniwala sa kakayahan ko, sa aking Pamilya.”

Sinabi ng 24-anyos na plano niya ring ipagpatuloy ang kanyang sinimulan at kumuha ng kursong Education.

Sa Brgy. San Pedro, Puerto Prinsesa, Palawan ay isa rin siyang SK Kagawad at Vice President ng Persons with Disabilities (PWD).

Bumuhos ang pagbati at paghanga sa estudyante at sinabing siya ay dapat tularan!

“Maraming salamat sa inspiration..congrats po sa mga proud parents”

“Sobrang nakaka proud ka idolo keep it up stay safe!”

“Congratulations, Aldrin Maat Pawa! God bless sa panibagong chapter ng buhay nak!”

Panoorin ang panayam sa kanya ng Brigada News FM – Palawan:

Post a Comment

Previous Post Next Post