“Ironic na nagtatrabaho ako sa labas, ang inaalagaan ko hindi ko kakilala. Pero ang Mommy ko hindi ko maalagaan.”
Si Linda Amar Yee ay nagtatrabaho bilang nurse sa loob ng 20 taon.
Kahit gusto niyang makauwi ay hindi madali para kay Linda dahil sa kanyang trabaho at sa nagpapatuloy na pandemya.
Si Mommy Mindamar naman ay kasalukuyang sumasailalim sa dialysis tatlong beses sa isang linggo. Mayroon din siyang problema sa puso at diabetes.
Dahil sa kanyang mga umiiral na karamdaman ay pabalik-balik ng ospital si Mommy Mindamar.
Higit pa sa pisikal na sakit ang kanyang tinitiis. Ang pinakamasakit sa kanya ay malayo sa kanyang tabi ang kanyang anak na OFW.

Ngunit matapos ang tatlong taon ay nagkaroon ng pagkakataon ang OFW nurse na makauwi at maalagaan ang kanyang ina kahit sa maikling panahon lamang.
Isang araw, nagpasya ang kanyang anak na babae na surpresahin siya.
“Naisip ko na ay ‘di ko na lang sabihin kay Mommy para surprise ‘yung pag dating at saka parang since in and out siya sa hospital, parang gusto ko na ‘di siya ma-stress mag-prepare na “ay dadating ‘yung anak ko.” Basta dadating na lang ako, tingnan ko lang kung ano ‘yung reaction ni Mommy. ‘Yun dumating kami na-suprise nga siya, umiyak,” ani Linda sa ‘The Philippine Star’

Noong una, hindi agad nakilala ni Mommy Mindamar ang anak kaya inabot siya ng ilang segundo bago tuluyang nakilala ito. Nakuhanan naman ng uploader na si Zybel Marie Dumana ang pinakahihintay na reunion ng mag-ina.
Hindi siya makapaniwala na nakauwi na ang kanayng anak na matagal na nawalay sa kanya.
Ito ang unang pagkakataon sa loob ng tatlong taon na nagkasama ang dalawa.
Walang ibang naramdaman si Linda kundi ang kaligayahan nang makita ang kanyang ina matapos ang ilang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa.

Nagpapasalamat umano ito na ang kanyang pag-uwi ay nataon pa para sa minor surgery ng kanyang ina kaya nagawa niyang samahan ito sa ospital sa loob ng apat na araw.
Ayon kay Zybel, “Her arrival was a surprise for our family. My lola was so shocked because she did not expect. Sabi niya the past few days she and her daughter were video calling and then parang a few days after na surprise siya kasi nakauwi ‘yung anak niya.”
Ayon kay Linda, gusto niyang manatili sa Pilipinas kasama ang kanyang ina ngunit magiging praktikal para sa kanila kung patuloy siyang magtatrabaho sa ibang bansa para sa medikal issues ng ina at pang-araw-araw na gastusin dahil wala namang ibang tutugon dito.
Masakit man sa kalooban minsan talaga napipilitan tayong gumawa ng desisyon para sa pangangailangan ng mga mahal natin sa buhay. Salute sa iyo at sa iba pang nagtataguyod ng pamilya sa Pilipinas.