Johnoy Danao kay Bianca sa pagpuri kay Marcos sa SONA, ‘He was just reading a speech’

Tila iba ang pespektibo ni Johnoy Danao, isang musician, composer, at singer-songwriter, kaugnay sa tweet ni Bianca Gonzalez kung saan ay pinuri nito ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nauna nang pinuri ni Gonzalez, isang kilalang tagasuporta ni dating Bise Presidente Leni Robredo na lumaban din sa pagkapangulo, ang SONA ni Marcos, sa pamamagitan ng tweet ng TV host noong Hulyo 25.

“That was a good SONA for PBBM. Here’s hoping this admin delivers on the promises, para sa Bayan,” aniya. “I may have voted for Leni Robredo and I still believe the Marcos family needs to be accountable for the stolen wealth and the ML (Martial Law) human rights abuses, but BBM is our duly elected President and I felt his SONA was good. Kung successful ang admin, success din ng Bayan.”

Basahin: Bianca Gonzalez says PBBM’s 1st SONA was ‘good’

Si Danao, na suporter rin ni Robredo, ay tila sumasalungat sa palagay ni Gonzalez sa usapin habang kinukuwestiyon ang paggamit niya ng pariralang “para sa bayan,” sa pamamagitan ng Twitter page nito noong Hulyo 26.

“He was just reading a speech. Just like what he was doing during the campaign, puro kasinungalingan [all lies],” sabi ng musician. “Para sa bayan? [Please.] Magbayad ng utang, pakulong ang nanay, panagutin sa mga ninakaw ng pamilya sa kaban ng bayan. Mind you, fake news/troll farm ginamit ng ‘duly elected,” aniya.

Nilinaw naman ni Gonzalez na ang kanyang papuri ay nakadirekta lamang sa talumpati ni Marcos, at hindi pa rin nalilimutan ang mga nagawa ng Marcoses noon.

“The admin has yet to put in the work to deliver. Hindi nag-iba ang paninindigan ko dahil lang sa isang speech,” sagot ni Gonzales. “#NeverForget pa rin ang stand ko, kailangan managot sa mga nagawa.”

“Salamat din sa pagpoint out ng ‘duly elected.’ Will be more mindful sa pagpili ng terms,” ani Gonzales sa Twitter at nagpasalamat kay Danao. “Laban pa rin for good governance ito, Sir.”

Sa kauna-unahang SONA, tinalakay ni Marcos ang mga target na pang-ekonomiya ng bansa, isyu sa seguridad sa pagkain, pag-unlad ng imprastraktura at sitwasyon ng pandemya, bukod sa iba pa.

Ipinunto ng ilang analyst na hindi tinugunan ni Marcos ang mga isyu ng paglabag sa karapatang pantao at graft and corruption. Tinapos niya ang kanyang talumpati, na tumagal ng mahigit isang oras, sa pagsasabing “The state of the nation is sound.”

Post a Comment

Previous Post Next Post