Ilang linggo matapos ikumpirma ang kanilang breakup, ibinahagi ni Pokwang ang ilang matamis na sandali ng kanyang mga anak kay Lee O’Brian at ng kanyang pamilya sa US.
Sa Instagram, nag-post ang comedienne at host ng mga larawan ng kanyang mga anak na sina Mae Subong at Malia O’Brian sa States, pati na rin ang video ng apat na taong gulang na nakasakay sa carousel kasama ang kanyang ama sa tabi nito at ang pagsakay nila sa isang ‘tren’ habang namamasyal.

“Finally after two years its nana, grand pa and tita mimi time enjoy lang ate @maesubong and @malia_obrian see you soon mga anak us,” saad sa caption ng aktres.
Si Pokwang ay nasa US rin kasama ang kaibigang si K Brosas para sa kanilang BFF Concert Tour.
View this post on Instagram
Kamakailan ay nagsalita ang komedyante tungkol sa paghihiwalay nila ng dating partner na si Lee.
“Yes, it’s been seven months since tapusin namin ni papang ang lahat, pero maayos at mapayapa, at bilang magkaibigan na lamang mas nagagampanan namin ang mga tungkulin bilang magulang ni Malia,” wika ni Pokwang.

Ayon sa 51-anyos, maaaring natapos na ang relasyon nila ni Lee ngunit ang pagiging ina niya ay hindi, “Natapos man ito sa ‘di inaasahang panahon hindi dito hihinto ang pagiging nanay ko sa mga anak ko.”
Basahin: Pokwang defends Lee O’Brian, says he’s a good man and father
Sa panayam ng 24 Oras, tinapos ni Pokwang ang mga espekulasyon kung ano ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

“Una sa lahat, walang third party, wala. In all fairness kay Papang. ‘Di rin pera kagaya ng mga lumalabas, hindi ho, walang ganun. Siguro naano lang kami, ano bang tawag dun? Napagod,” aniya.
“Sana alam ng tao na ‘yung hinuhusgahan n’yo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko. Kesyo palamunin ko raw. Masipag po ‘yung tao,” dagdag pa ni Pokwang.