Sinurpresa umano ng lalaki ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang representative ng isang bangko upang ibalita na naaprubahan ang loan ng kanyang ama.
Akala ng pamilya ni Ghran Hill Thompson Abalos ay isa nga siyang representative ng isang bangko.
Bumisita ito sa kanyang mga ‘kliyente’ upang ihatid ang magandang balita na aprubado na ang kanilang loan.
Nang lumapit sa gate ang ama ni Ghran ay kinamusta niya ito at sinabing approved na ang loan ni Tatay.
Dahil sa kainitan ng araw ay pinapasok si Ghran sa loob at doon kinausap.

Nang makapasok ito ay humingi pa ito ng tubig. Makikita rin naman ang kanyang ina sa labas ng bahay.
Nang matanong ang ‘representative’ kung anong bangko ang nag-approve sa loan ng ‘ama ay GR bank ang isinagot nito na ikinataka naman ng isang hindi nakilalang babae.
Ilang sandali pa ay may nagdudaa na sa kanya kaya naman hinubad na niya ang kanyang hood at sumbrero.
Nang makita na ng kanyang pamilya ang kanyang mukha ay agad na siyang niyakap ng mga ito nang mahigpit.

Hindi napigilan ng pamilya ang kanilang kaligayahan dahil ito ang unang pagbisita ni Ghran sa Pilipinas sa loob ng ilang taon simula 2015. Naka-base kasi si Ghran sa Tahoe, California.
Sa panayam ng Philippine Star, sinabi ni Ghran na hindi talaga ito planado.
“Well actually it wasn’t really planned at all, kasi I just got there like that day, that moment sa Pinas and then my sister was like, ‘oh we should surprise your dad, and your brother.’ and I’m like ‘yeah, that was a good idea.”
Ang naturang video ay in-upload sa Tiktok ng kanyang pinsan na si Ian. Siya mismo ay wala umanong ideya tungkol sa surpresang ito.
Tinulungan si Ghran ng kapatid niyang babae para i-surprise ang pamilya, at ito rin ang kumuha ng nasabing video.

Para maging masaya ang kanilang sandali ay naglakbay sila sa iba’t ibang lokal na destinasyon sa bansa.
Sinabi ni Ghran na ang kanyang buong bakasyon ay inilaan talaga sa paggawa ng mga bagong alaala kasama ang buong pamilya.
Dagdag pa niya ay hiniling sa kanya ng kanyang mga magulang at iba pang miyembro ng pamilya na i-extend niya ang kanyang bakasyon ngunit dahil sa kanyang trabaho, kinailangan na niyang bumalik sa US matapos magbakasyon ng 15 araw sa Pilipinas.
@ian_payabyab WELCOME BACK KUYA GHRAN! ❤️🎉#foryou #fyp #trend #ian_payabyab ♬ Coming Home – Diddy – Dirty Money
Sa totoo lang, ang karamihan sa mga pamilyang Pilipino ay close-knit talaga, kaya ang bawat pagkikita ng magkakalayo ay mas pinasasaya ng mga surprise gimmicks. Ang saya kaya kapag may surpresa, ‘di ba? Lalo na kapag mahal na mahal mo ‘yung naghatid ng surpresa!