Maine Mendoza, Arjo Atayde engaged na

Engaged na ang TV host-actress na si Maine Mendoza at actor-politician na si Arjo Atayde pagkatapos ng halos apat na taon bilang magkasintahan, inihayag nila noong Biyernes.

Ipinost ni Maine, 27, ang kanyang milestone sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga selfie kasama ang aktor sa IG at ipinakita ang kanyang engagement ring.

“Wait, whaaaat??? We’re engaged?!” isinulat ng aktres sa caption; gamit ang isang mind-blown emoji.

Hindi rin nagpahuli at nagpost rin sa Instagram si Arjo, “My turn, I will marry you cutie. 07.28.22”

Sa comments section ng post, bumuhos ang congratulatory messages at well wishes mula sa mga celebrity at fans; pati na rin ang kapatid ni Arjo na si Ria Atayde.

“AYAN NA!!! CONGRATULATIONS!!! Welcome to the club!!! Hahaha” – kaladkaren

“Waaah!!! Congratulations!!!”

“Congratulations and Best Wishes to you and Maine!!!!”

Basahin: Arjo kay Maine: ‘I love you in all ways, more and more… every day’

“To more coladas, laughs, and sunsets with you…”

Matapos magbahagi ng sweet couple photo ni Maine sa IG, bumaling din sa social media si Arjo para ipahayag ang kanyang pagmamahal sa aktres.

Hinahalikan ni Arjo ang mga balikat ni Maine habang ang kanyang kasintahan ay mapapansin ang malaking ngiti.

“I love you in all ways, more and more… every day,” nakasaad sa cation ng aktor.

Bago nito, nasabi na ni Arjo sa isang panayam na napag-usapan na nila ni Maine ang kasal.

Sinabi rin ng 27-anyos na si Maine, na plano niyang magpakasal bago mag-30.

“Ay ‘yung ganoon, wala pa tayo du’n,” saad ni Maine. “Kasi lima kaming magkakapatid tapos dalawa pa ‘yung kapatid ko na hindi pa nakakasal so sunud-sunod ‘yan. Alam mo naman sa probinsya dapat ganoon, you can’t break the chain kumbaga.”

Nagsimulang pag-usapan ang relasyon nina Maine at Arjo noong December 2018. Pagsapit ng Enero 2019, kinumpirma ni Arjo na “exclusively dating” na sila ni Maine.

Noong December 21, 2021, ipinagdiwang nila ang kanilang third anniversary bilang magkasintahan habang nasa yate.

Post a Comment

Previous Post Next Post