Sinabi ni Richard Gomez na nagiging mahigpit rin siya sa kanyang unica hija na si Juliana Gomez.
Sa isang episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” ng GMA Network, na ipinalabas noong Martes, sinabi ng aktor na naging politiko na ang pagiging mahigpit niya kay Juliana ay paraan niya ng pagtuturo ng disiplina.
“I’m not strict naman with the way she [dresses] up, I allow her naman to be with her friends but kapag sinabi ko na kailangan 10:00 nasa bahay ka na, nasa bahay ka na by that time,” sabi ng kinatawan ng Leyte kay Pia.

Ayon sa aktor, hindi siya mahigpit sa paraan ng pagiging pisikal. Sa halip, mas binibigyan niya ng “isang tingin” ang anak.
“Hindi naman ako istrikto na namamalo. I’m more of ‘makuha ka sa tingin,’” sabi niya.
Tungkol sa mga manliligaw, gusto lang daw ni Richard na ligawan nila nang maayos si Juliana sa bahay.
“Kung may manliligaw [sa kaniya] wala naman problema, at least manligaw sila sa bahay, ayaw ko na nagtatago [sila],” ani Richard.

Sumang-ayon si Richard na ang pagkakaroon ni Juliana ng manliligaw sa tamang edad ay bahagi ng buhay, kaya tinanggap nila ng asawang si Lucy Torres ang ideya.
“Ayaw ko naman na tatakas takas [siya], so visit and join us for dinner, let’s go out together, ganun,” dagdag pa niya.
Basahin: Richard Gomez says respect, love secret to happy marriage with Lucy Torres
Respect and love.

Sa panayam ng entertainment reporter ng GMA na si Nelson Canlas, sinabi ng incoming Ormoc 4th district Representative na mahalagang may respeto sa relasyon.
“In a relationship, respect is really very important. You respect each other’s opinions, you respect each other’s lifestyle. And that you continue to love each other every day. Importante rin iyan,” aniya.