Maaaring makulong ang mga loan shark na tumatanggap ng cash card na isinanla ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), babala ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo noong Miyerkules.
Ayon kay Tulfo, nakatatanggap ang kanilang tanggapan ng mga ulat kaugnay sa mga benepisyaryo na nagsasanla ng kanilang 4Ps cards sa mga loan shark.
“I would like to take this opportunity to warn the loan sharks. Bawal po ‘yan na tumatanggap kayo ng mga isasanla sa inyo na 4Ps cash card,” saad ni Tulfo sa panayam ng ABS-CBN News Channel.

“Labag po sa batas ‘yan and they are charging 20 to 40 percent dun sa kabuuang makukuha so nababawasan ng halos 40 percent ‘yung monthly assistance ng gobyerno sa [beneficiaries],” dagdag pa niya.
Sinabi ni Tulfo na maaaring mapunta sa kulungan ang mga loan shark kapag sila ay nahuli.
Unqualified recipients
Samantala, inihayag din ni Tulfo ang planong tanggalin at maglinis ng humigit-kumulang isang milyong benepisyaryo ng programa na sa ngayon ay hindi na kwalipikadong tumanggap ng cash aid.

“We have a lot of reports, even the President, nakakatanggap na ng mga sumbong sa kanya na ‘yung mga kapitbahay daw may mga magagandang bahay at may mga trabaho na ‘yung anak and yet hindi pa nila sinu-surrender ‘yung kanilang 4Ps,” sabi ni Tulfo.
May mga kaso na ang mga ibang miyembro ng 4p’s ay nagsasara umano ng pinto kapag binibisita ng mga kinatawan ng DSWD habang ang ilan ay lumilipat na ng mga tahanan.
“Nakakalimutan siguro nila na this is conditional. May mga condition silang susundin,” ani Tulfo.
Basahin: DSWD Sec. Erwin Tulfo apologizes to woman allegedly disrespected by employee

Samantala, kamakailan lamang a humingi ng paumanhin si Sec. Tulfo sa isang nanay na diumano ay pinahiya at pinagalitan ng kanilang DSWD satellite office sa Tagbilaran, Bohol sa Region VII.
“Ako po ay nahihiya at humihingi ng paumangin kay Nanay na pinahiya at pinagalitan umano ng aming DSWD satellite office sa Tagbilaran, Bohol sa Region VII. Kwento ni Nanay, nagtanong lang daw siya kung papaano siya makasali sa 4Ps dahil construction worker lang ang kaniyang mister at may ilang anak siyang nag-aaral,” ayon kay sec. Tulfo.
“Nay, pinaiimbestigahan ko na po ang insidente. At kapag napatunayan ko na hindi sinunod ng aking empleyado ang utos ko na tratuhin nang mabuti at asikasuhin ang mga kliyente ng DSWD na tulad n’yo, siya po ang kauna-unahang empleyado ng DSWD na sususpindihin ko dahil bastos ang pag-uugali… Pangako!!!” sabi pa niya.
Panoorin: