Humingi ng tulong ang aktres na si Toni Gonzaga sa publiko kaugnay sa isang pekeng Facebook account na nagpapanggap sa ilalim ng kanyang pangalan at humihingi ng mga digital gifts para kumita ng pera.
Ipinakita ng aktres-TV host ang screenshot ng post mula sa nasabing account na umani ng mahigit 3,000 Facebook reactions at humigit-kumulang 57,000 views, sa pamamagitan ng Instagram Stories ni Toni noong Hulyo 3.

“This is not our official account. If you could kindly report also. Maraming salamat,” caption ng aktres.
Pagkatapos ay ipinost din ni Toni ang screenshot at link ng kanyang opisyal na Facebook page, ang Toni Gonzaga Studio.

Nagpakita rin siya ng komento mula sa poser account na humihiling sa mga tagahanga na suportahan ang pekeng pahina sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga digital na regalo.
“We don’t ask for money. This is a fake account. If you can also report,” sabi niya sa nag-expire nang post sa IG stories.
Sa ngayon ang pekeng account – na mayroong mahigit 500,000 followers – ay nasa Facebook pa rin.

Mag-ingat lalo na sa panahon ngayon na marami ang gumagawa ng mga pekeng account sa social media at marami na ang naloloko. Kahit sa mga text message ay hindi dapat ibinibigay ang iyong buong identity upang maiwasan ang mga scam.
Basahin: Toni Gonzaga nakatakdang umawit ng national anthem sa inagurasyon ni BBM
Samantala, kinanta kamakailan ng aktres ang pambansang awit ng Pilipinas sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ginanap sa Pambansang Museo noong Huwebes, Hunyo 30.
Ikinasal siya sa direktor na si Paul Soriano noong Hunyo 12, 2015, sa Taytay, Rizal.
Isinilang ni Toni ang kanilang unang anak na si Severiano Elliott o Seve noong Setyembre 30, 2016.