Estudyanteng ulila na sa pamilya, nakapagtapos ng Senior High School

Mahirap para sa isang estudyante na kayanin lahat ng pagsubok sa buhay pero isa si Jellicoe Qtt Jr. na nakaya pa ring makapagtapos ng senior high school sa kabila ng pagkawala ng kanyang pamilya.

Noong araw na nagtapos siya sa Cabadbaran City National High School sa Agusan del Norte, binisita niya ang puntod ng kanyang pamilya upang ipakita ang kanyang diploma.

“Ma, Pa & ya, Graduate na ko,” aniya sa kanyang Facebook post na may malungkot na emoji, kalakip ang isang litrato kung saan hawak niya ang kanyang diploma.

Ayon sa Philippine Star, nawalan ng mga magulang at kapatid si Jellicoe ilang taon na ang nakalilipas.

Malungkot umano si Jellicoe dahil wala at hindi nito nayakap ang pamilya sa kanyang graduation day.

“[Ang] lungkot po kasi ‘di ko sila mayakap at wala sila sa graduation day ko po.”

Humanga naman ang mga netizens sa kanyang nakamit na pagtatapos sa Senior High School. Napansin ng netizens na halos magkakasunod lamang namayapa ang kanyang mga magulang at kapatid, base sa mga lapida nila. Nagsikap siya na buhayin ang sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho kahit nag-aaral siya.

“‘Di mo man nakita at nakasama mga magulang mo sa stage pero nakita ka nila na masaya at kinaya mo para maipakita sa kanila na grumaduate ka, masaya din sila para sayo.”

“Congratulations Dodong. Just continue to achieve your dreams and I know your parents and kuya is so proud of your achievements.”

“Congratulations! Isa kang huwaran para sa lahat. Sobrang proud sayo ng family mo sa heaven. Sa iyong kasipagan at katatagan. Saludo sayo! Keep it up! May almighty Father god guide you in your next journey.”

“You make your parents proud langga. God bless you, praying for your successful life po. More power.”

Paalala niya sa marami na huwag susuko sa pag-aaral para sa pangarap.

“‘Wag kayo susuko sa pag-aaral para sa ating pangarap at para na din sa ating mga magulang. Kahit wala na tayong mga magulang, ‘wag tayo susuko.”

Hindi tumitigil mangarap si Jellicoe dahil plano niyang ituloy ang criminology sa kolehiyo. Dalangin natin sa kanya, nawa’y makakuha siya ng scholarship.

Post a Comment

Previous Post Next Post