Unang lumabas sa publiko ang seksing aktres na si AJ Raval sa special screening ng kanyang pelikulang “Sitio Diablo” noong August 24 kasunod ng usap-usapan sa diumano’y pagbubuntis niya sa rumored-boyfriend na si Aljur Abrenica.
Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabi ni AJ na hindi na niya kailangang linawin ang isyu.
“Bahala na sila kung ano ang paniniwalaan nila, kasi the more you explain or defend yourself, lalo ka nilang aatakihin,” saad ng aktres.

Sinuportahan naman ng kanyang ama na si Jeric Raval si AJ para sa special screening. Itinanggi rin niya ang diumano’y pagbubuntis ng kanyang anak na babae.
“Definitely, hindi!” anito.
“Magkasama kami sa bahay kaya alam ko. Iisa ang tinitirhan namin sa Quezon City at kung umuuwi kami sa Pampanga, isa lang bahay namin,” dagdag ng ama.
Pinayuhan din ni Jeric si AJ na manatiling focused sa kanyang career kaysa sa kanyang love life.

“Sayang naman kung maaga siyang mag-aasawa at the peak of her career,” sabi pa niya.
Ayon pa kay Jeric, “Alam ko at 21, alam na ni AJ ginagawa niya, pero andito lang kaming mga magulang para gabayan siya.”
Magsisimulang mag-stream ang “Sitio Diablo” sa VivaMax sa Agosto 26.
Basahin: Cristy Fermin sinabing nagdadalantao si AJ Raval, ‘Siyento porsyento’
Noong Hulyo, ayon sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ay buntis umano ang seksing aktres kay Aljur.
Sinabi ni Cristy na 100 percent sure siyang totoo ang mga balitang kumakalat kaugnay sa aktres sa episode ng online show na “Showbiz Now Na” noong Hulyo 19.

“Ito naman ay bibitiwan natin at ito naman ay ipupusta natin nang siyento porsyento. Totoo po mga ka-chika, nagdadalantao po si AJ Raval,” matapang na sabi ng columnist.
“Hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila, na aming source tungkol sa isyung ito. Totoo po na nagdadalantao si AJ. Kaya ‘yung pelikula niyang sinimulan, hindi na itinuloy. Naaano lang ba ako, sayang ‘tong batang ito,” dagdag pa ni Cristy.
Basahin: AJ Raval sa kanyang kapatid na si Vanessa na may naging ‘isyu’ sa isang rapper, ‘Hindi kami close’