Can’t hardly wait?
Isang police officer ang naghanda ng surprise wedding proposal para sa kanyang pinakamamahal na kasintahan na kararating lang sa airport sa Bacolod City.
Ang video post ni Chei Duran sa Facebook ay ibinahagi ni Karlyn Marie sa sarili niyang FB wall. Ito pala ang nobya na nasa video ng proposal na naganap sa nasabing airport. Kumalat agad ang video ng magka-LDR (Long Distance Relationship) at nag-viral sa social media.
Sa video, makikita na sinalubong si Karlyn ng kanyang kaibigan pagkarating nito sa paliparan ng Bacolod-Silay. Dinala siya nito sa gilid ng airport na may mala-stage na set-up! Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Karlyn Marie. May saliw pang romantic music!

Pumuwesto naman ang ilang sundalo sa magsisilbing tila aisle na dadaanan ng mga kabahagi sa espesyal na okasyon.
Ilang miyembro ng pamilya ang nagbigay ng bulaklak sa dalaga.
Pagkaraan ng ilang sandali, huling nagbigay ng bouquet ang nobyong pulis na kinilalang si Eswan Sadia.
Binigay pa ng pulis ang kanyang ATM card at ‘pinosasan’ ang kanyang nobya saka ito nag-propose. Napaluha naman ang babae sa patunay ng pagmamahal ng nobyo at ibinigay ang kanyang matamis na oo sa kanyang sinta.

She said YES
Emosyonal namang nagbigay ng mensahe si Karlyn Marie sa kanyang social media account.
“‘It’s definitely a YES.’ Yesterday another chapter was written. From almost one day of long and tiring flight from Doha waiting time in Manila for another flight going to Negros and thinking of the land trip again going to Sagay. Gina think ko na lang “makaon ko linaga na baboy na may langka na luto ni Mama Elsie!”,” aniya sa kanyang post.
“After picking my luggage hambal ko ma CR ko anay kg ma fix tsura ko ky ka haggard but nakita ko dayon ang salakyan sa gwa so hambal ko nd na lng kg excited na ko magpuli kg mgkaon but nilaga na baboy with langka lang cravings ko, ATM, posas engagement ring nakwa ko,” aniy Karlyn sa kanyang Facebook caption.
Pagkatapos ng proposal, ipinagdiriwang ng couple ang espesyal na kaganapan kasama ang kanilang mga kaibigan, pamilya, at ilang kamag-anak.

Masayang nag-pose ang dalawa sa harap ng camera bilang pag-alala sa kanilang hindi malilimutang engagement.
Nagpahayag naman ang mga netizens ng kanilang mga reaksyon at komento sa post.
Sa huling caption ni Karlyn sa Facebook ay nagpasalamat ito sa kanyang kasintahan.
“To my fiance, thank you everyday. I know more challenges pa ma-face ta but as you always said ‘kapit lang kay Lord kag sa akon’ LDR works if two of you are willing to make it work.”
Panoorin ang buong proposal.